Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Talambuhay ni Felix Dumaguin

Sisimulan kong ipakilala ang aking sarili,ako nga pala si Felix Rojo Dumaguin ipinanganak noong taong 1889 buwan ng abril 14.Ang mga magulang ko nga pala ay c Alex Asueldo Dumaguin at ang aking inang si Fe Manzanilla.
Nagkakilala ang mga magulang ko sa isang sayawan na naganap sa bayan namin sa masbate.Habang nagkakasiyahan ang buong pamilya nina papa ay bigla namang dumating cna tita,ipinakilala nila si mama sa aming pamilya.Syempre si papa naman nun ay wala pang asawa kaya nung una palang niya makita si mama ay niligawan nya na ito.Yun ang pagkakasabi sakin ni papa kung pano daw sila nagkakilala ni mama.
Ngayun nga na magkasama na sila ay doon na ko nabuo.Si mama ay sumasideline lang minsan sa pag mamanicure.At si papa naman ay isang mangingisda.Kung hindi dahil sa pagsisikap nilang maging mabuting magulang sakin ay hindi ako aabot nang high school.
Pinalaki nila ako ng maayos,pinag aral sa Dayhagan Aroroy Elementary school.Grade 1 palang ako nun nung matuto akong sumugal sa mga problemang dinadanas na ng aking pamilya.Mahirap lang kami kaya siguro ang madalas naming problema ay ang pinasyal na pangangailangan.Minsan hindi na ko nakakapasok kasi wala akong pambaon,pero ang madalas kong idahilan sa aking guro ay may sakit ako o kaya naman ay may pinuntahn kami ng pamilya ko.
Pero sa pagsisikap kong pumasa ay nakatapos ako ng grade 1.Nung bakasyon kahit bata palang ako ay tumutulong nako sa aking pamilya sa kanilang trabaho.Minsan sinasamahan ko sina papa sa pangingisda sa laot.Minsan nga sa sobrang likot ko sa bangka ay haging nako mahulog sa sinasakyan namin.Sa nangyaring yun ay nagalit sakin si papa kaya nadala siyang isama ako sa pangingisda.
May mga pangyayari din ako na hinding hindi ko malilimutan lalo na nung Grade 4 na ko,syempre malaki na ko may muwang na sa mga nangyayari sa aking paligid,may ginawa kasi akong kasalawan dati na ikinagalit nang aking guro,tuwi na lamang may nang aasar sakin ay lagi kong isinusumbong kay teacher.Siguro sa kakulitan ko nang kasusumbong kay mam napikon na siya sakin at imbis na yung kaklase ko ang pinagalitan nya ay ako na nagsumbong ang napagalitan.
Nag 1st year high school ako sa amin sa masbate nakita nina mama at papa na sa eskwelahan namin ay maraming estudyante na masasalaw at para bang mabisyo.Kaya inantay lang nina mama at papa na matapos ko ang aking unang taon sa high school.
Pagkatapos na pagkatos ko nang 1st year ay bigla akong nagkasakit,2 buwan akong nasa bahay at nagpapagaling kaya ang nangyari ay hindi na ko pumasok.
Tinanong ako nina mama kung papasok pa daw ako ng high school.Pero ang sagot ko sa kanila ay ayoko nang pumasok,nang malaman ni papa na ayun ang pasya ko ay nagalit siya sa akin.Kaya pinadala nya ko sa tiyuhin ko sa katabi lamang ng baranggay namin.Sumama nalang ako lagi sa tiyo upang mangisda.
Sa hirap nang dinanas ko sa pagtatrabaho ay pinasya ko nalang na pumasok muli at mag aral.Kaya ang ginawa nina papa ay ipinadala ako dito sa San Pablo upang ipag patuloy ko ang aking pag aaral.Pero pagdating ko dito sa laguna ay hindi muna ako nag aral,ilang taon muna akong nagtrabaho sa construction kahit 16 anyos pa lamang ako.Pagsapit nang aking 18 kaarawan ay parang naawa sakin ang tiyuhin ko at tinanong nya ko kung gusto kong ipagpatuloy ang pag aaral ko. .Nag dadalawang isip pa ko nun kung itutuloy ko paba ang pag aaral ko pero sa kagustuhan ko ding makatapos ay tinanggap ko ang kanyang alok sakin.Nag aral ako sa pinapasukan ng aking pinsan,iyun ay ang Dizon High.
Nang ituloy ko na ang pag aaral ko ay 2nd year na ko,Habang nag aaral ako ay tumutulong din ako sa aking tiyo para sa gastusin,kasi tuwing sabado at linggo ay nagtatrabaho na ko.Sa parteng 2nd year ako ay may nakilala akong mga kaibigan na tumutulong sakin sa pag aaral sila ay sina Jerhel at Robles.
Tanda ko pa yung mga kalokohan namin dati,talagang nagpunta pa kami sa Netopia para mag download nang picture sa friendster.Pero pano nga kami makakapag upload kung wala naman kaming picture??Syempre nagpicturan muna kami sa may loob nang netopia.
Picture ko na kuha pa sa netopia kasama ang aking kaibigan

Pero hindi jan nagtatapos ang kwento ko.Pagkabakasyon namin ay umuwi muli ako sa masbate upang doon magbakasyon.Ang saya nang naging bakasyon ku don kasi para bang namiss ako nang aking mga kapatid at pinsan doon.Kahit sa edad kong ito naglaro pa kami nun sa dagat na malapit samin,tanda ko nun nung ibinaon ako nang mga pinsan ko sa lupa.Tumulong pati mga barkada ko para daw mailibing ako.Kala nila matatakot nila ako ha. . hehehe
Kinuhanan ako ng picture noon nung mapagtripan ako ng pinsan ko
Sa bakasyon ding iyun ay may natutunan akong mga bagay bagay sa amin.Lalo na nung tinuruan ako nang aking mga barkada mag mutor.Astig talaga ako nun sa motor.Para bang napakayaman kong tingnan.
Ala-ala ko noong tinuturuan pa lang ako magmaneho ng single

Ngayung 4th year nako ay sobra kong daming ginagawang kasalanan,minsan kasi napapasama ako sa iba naming kaklase sa pagliban ng klase.Ang naging epekto naman sa akin nung ginawa ko nun ay marami akong grades na ibinagsak.
Pero ang best part nang aking pagiging 4th year ay nung nag field trip kami nun.Bago ko umpisahan ang aming paggagala ay nagpapicture muna kami ng pinsan ko,para souvenir namin sa pag attend ng field trip.
Picture namin ng pinsan ko nung Fieldtrip namin

Nang magumpisa na kaming mamasyal ay dun ako sumama sa aking mga kaklase.Ang saya nila kasi nandun ako,ako lagi kasi ang inaasar nila.Minsan daw pag nakita nila akong isang ganap na scientist ay luluhod daw sila sakin.heheh
Mas hindi ko malilimutan ay nung picturan na kasi marami din ako dung naipon na picture eh.Kapwa kaming masaya,walang nalungkot nung uwian kasi umuwi kami na dala ang mga ngiti ng dahil sa field trip naming yun.Dahil din dun nakilala namin ng lubos ang isat isa.
Kuha naming picture ng mha kaklase ko nung fieldtrip

Sana walang makalimut sakin sa darating na graduation,alam ko lahat kami ay naging masaya nitong high school.Sana hindi nila alisin sa kanilang isipan na minsan akong dumaan sa kanilang buhay at nagbigay kulay sa mga oras na nakasama nila ako.
Picture ko samin ng nakahubad. . hehe!!

Talambuhay ni John Wilmer Coro

Ako si John Wilmer P. Coro isinilang noong ika labing-apat ng abril taong 1995 isinilang ako sa lungsod ng San Pablo Laguna. Ako ang bunso sa aming mag kapatid. Dalawa lamang kaming mag mag kapatid at ang panganay kong kapatid ay babae na tatlong taon ang tanda sa akin.
Ako ay nagsimulang mag aral ng kinder noong ako ay naging 6 na taong gulang naat pumasok ako sa bagong bayan daycare center lagi akong inihahatid ng aking ina at tuwing pag awas ay nagpapabili ako sa kanya ng pagkaen at minsan ay laruan at noong ako ay nagtapos na ng aking pag kikinder ay nirigalohan ako ng aking ama ng kotse at ipinaghanda din nila ako ng sopas at pancit.
Noong nag b-day naman ako ay ipinag patay ako ng baboy ng aking ama upang gawing handa at napaka dami kung natanggap na regalo noon kaya ako ay masayang masaya at tuwing sumasapit ang bakasyon ay nag babakasyon kami ng kapatid ko sa liliw sa bahay ng mga pinsan ko at pumasok naman ako ng elementary sa San Pablo Central School.
Noong unang pasukan ay nahihiya pa ako dahil wala pa akung kakilala pero pag tagal tagal ay marami na rin akung naging kaibigan. Mababait naman silang lahat pero meron din akong bargas na kaklase at makukulit.
Kunwari manghuhula ako
Tuwing reses namin ay naglalaro kami sa labas ng class room at noong grade 1 ako natutong bumasa ng tuloy-tuloy at mag sulat sa note book at nakatapos ako ng grade 1 at nag grade 2 na nga ako. Ako ay naging makulit na at dahil sa kakulitan ko ay lagi akung napapagalitan ng aking teacher.
Pero kahit papaano ay mabait naman ang teacher ko at magaling din siyang mag turo. Tinuruan nya kaming sumulat ng kabit-kabit at lagi din akung napapaaway, uso nun ang mga siga sa room.
Kaya gusto kung maging siga kaya lagi akong napapaaway sa isa kong kaklase na gust ring maging siga sa room namin pero ang away naming ay away bata lang naman na puro bungguan at tulakan at natapos ko rin ang grade 3 tapos nun ay naging grade 4 na ako. Panibagong mga kaklase at kaibigan nanaman pero may akong kaklase na kaklase kuna kaya noong unang pasukan ay may kakilala na agad ako. L
Lagi akong tinatawag ng teacher ko para sumagot pero minsan ay hindi ko nasasagot ang mga tanong niya dahil minsan ay hindi naman ako nakikinig. Ang pinaka gusto kong subject noon ay science at hekasi dahil madali lang at interesado ako sa subject at ang pinaka ayaw ko naman sa math dahil nahihirapan ako mag solve at nakatapos din ako ng grade 3 at grade 4 na ako sa pasukan.
Sumusunod ako sa uso kaya napagtripan ko na magsuot ng ganyan ^_<
Noong ng grade 4 na ako ay nagging matigas na ang ulo ko at palasagot kaya lagi akong napapagalitan ng aking mga magulang at minsan ay pinapalo madalas din akong mapagalitan ng mga teacher ko dahil maingay ako sa klase namin at may isa akong kaklase na lagi kong inaasar kaya napikon siya sakin at pinilipit ang aking kamay kaya napaiyak ako sa sobrang sakit kaya isinumbong ko siya sa aking teacher.
Tuwing lunes ng umaga naman ay may flag ceremony kami pero minsan hindi ako nakaka attend dahil nag gagala na lamang kami.
Tuwing papasok sa umaga ay mag kasabay kami ng kapatid ko at pag awas naman ay napunta ako sa office ng aking ama at tuwang tuwa sa akin ang mga ka opisina niya dahil ang kulit kulit ko daw at tuwing na ng hapon ay uuwi na kami.
Pag pasko naman ay dinadala ako ng aking ama sa mga ninong at ninang ko para mamasko lagi akong nakakadami ng napapaskohan noon at pagkatapos ng pasko ay bagong taon naman mas masaya ang bagong taon kasi ang dami naming handa at pag nag 12:00 na ng gabi ay lumalabas kami para manuod ng mga nagpapaputok at napaka ganda ng kalangitan noon dahil puro fire works at pagkatapos ng putokan sa labas ay papasok na kami sa luobb para sabay sabay kumaen at maya maya ay tutulog na.

Nakatapos nadin ako ng grade 4 at grade 5 na ako sa paukan mas masaya ang nagging grade 5 ko dahil mas madami ako nagging kaibigan at natuto narin akong bumarkada. Lagi kami mag kakasama nuon at puro kalokohan kami kaya madalas din kaming napapalabas ng guro. Pag sabado ay napunta ako sa bahay ng kaklase ko para duon maglaro ng playstation at hapon na ako uuwi.
Pag nasa school din kami ay lagi kaming nag lalaro ng habol habolan at nakatapos na ako ng grade 5. Grade 6 na ako pero malungkot dahil hindi ko na kaklase ang mga kaibigan ko nung grade 5 pero may mga bago akong kaibigan na nakilala at masaya din sila kasama.
Sa kanila ako natutong mag computer at na addict ako dito minsan ay late ako sa pang hapon kong subject dahil nag kocomputer pa ako kaya dahil duon ay bumaba ang aking mga grades. Kaya tinigil ko muna ang pag kocomputer ko at nag aral mabuti para tumaas ang mga bagsak kong marka at dahil sa pag aaral ko ay tumaas na muli aking mga marka.
Nag X-mas party kami nuon at ang nakuha kulang ay picture frame at may kaklase kaming bakla na lagi naming pinag titripan at dumating na ang araw ng aking pag graduate at masayang masaya ang mga magulang ko nun dahil nakatapos na ako ng elementary at high school na ako sa susunod na pasukan kaya pinaghanda nila ako at binigyan akong aquarium ng aking tiyo.
Dumating na ang araw na papasok na ako ng 4thyear kaya kabado ako dahil mga bagong muka ang nakikita ko at hindi ko pa alam kung saan ang room ko kaya hinanap ko ito buti na lang may kaklase akong kakilala ko kaya may makakasama na ako.
Tuwing reses at awasan ay kami ang mag kasama noong una pero pag tagal tagal ay marami na rin kaming naging kakilala at kabarkada tuwing uwian ay mag kakasabay kaming naglalakad at puro kalokohan din kami noon kaya bumagsak ako sa iba kong subject pero naipasa ko rin ito at pa permahan na ng clearance.
Picture ko nung JS na inedit ko dahil fan ako ng MYX
Lagi akong nahihirapan sa pag papaperma dahil kulang kulang ako sa requirements pero natatapos ko rin ito at sa susunod na pasokan ay 2ndyear na ako at nuong second year ay mas lalo akong nagging makulit at pala cutting lagi ako napapagalitan ng adviser namin at pinapatayo.
Minsan ay nag punta kami sa bahay ng kaklase naming at nung pa uwi na kami ay doon kami dumaan sa pababa papunta sa lake at bigla akong nadulas at nag pa gilong gilong hanggang gitna buti na lang ay nakapitan ako ng kaklase ko kaya hindi nag daredaretso ang pag kaka hulog ko kaya nag pasalamat ako sa kanya at nakatapos din ako ng 2nd year ng walang hulog na subject.
3rd year na ako ngayon at naging masaya ang taong ito dahil madaming magaling mag patawa sa room naming at lagi samin na bubuset ang mga teacher naming dahil napaka kulit namin at napaka ingay pa lagi din nangungupit ang isa naming kaklase ng C.E.D kaya minsan ay libre na kami sa CED at nung 3rd year kami ay pag nag kayayaan mag ang dalawa ay mag kacutting na rin ang mga iba kaya pag dating ng hapon ay kunti na lamang ang napasok at noong nag J.S na nga ay masaya din dahil 1st time ko pa lamang ito. Kunti lang ang naisayaw ko dahil nahihiya akong mag sayaw sa gitna at pag katapos ng J.S ay nagka yayaang mag inom kaya sumama ako.
Isang magandang picture namin noong JS Prom na hindi namin makakalimutan

1st time ko lang din magi nom nuon kaya malakas pa akong magi nom pero nung naubos na naming yung mga alak ay ako`y hilong hilo at hindi na ako makatayo kaya doon na lamang ako natulog sa bahay ng kaklase ko at ang iba kaklase ay lasing na rin nung nagising ako ay 2:00 na ng hapon at umuwi na ako medyo hilo pa ako nun.
!st tym ko mag inum after JS

Kaya pagka uwi ko ay naligo agad ako. Nakatapos na rin ako ng 3rd year ng walang hulog na subject at nag 4th year na nga ako isang taon na lamang at gagraduate na ako. Kaya ngayong 4th year ay nag sisikap na akong mag aral para maka graduate at mag collage na masaya rin ang 4th year ko ngayon dahil ditto ko nakilala ang 1 tao na G.F ko na hanggang ngayon ay g.f ko parin at masaya din dahil sa mga barkada ko at sana maka graduate ako yun lang.
Picture namin ng mahal ko

Talambuhay ni Jordan Montejo

         Nagsimula ang lahat sa San Francisco Calihan,ipinanganak ako noong disyembre 27,1995.Ang buo kong pangalan ay Jordan Audije Montejo.
         Nung bata pa lamang ako ay sakitin nako pero kung hindi dahil kina itay at inay na nagtatrabaho parqa lang makuha ng pambili ng pagkain at gaot sakin ay matagal na akong wala dito.Pero sa paglaki ko naman ay nawala na ang sakit ko na nagpapahirap sakin at saking mga magulang.
         Tanda ko pa nung kasama ko ang anak nina tita ko,lagi kaming naglalaro sa may tabing ilog nang walang kasamang nakatatanda samin.Dahil nga sa mga panahong iyon ay kami lamang ang magkasama ay nagpunta kami sa mismong ilog na upang maligo,kaso di ko inaasahang sa ginawa naming yun ay malulunod ang anking pinsan.Buti nalang maraming tao ang nakatira malapit sa tabing ilog dahil kung walang tao dun marahil wala na ang aking pinsan.
         May mga problema akong hinarap nung elementarya ako,lalo na nung grade 2 pa lamang ako,lagi akong inaasar nung ka klase kong mayabang kaya dahil sa ginawa nya y nagalit ako,nag away kaming dalawa,kahit mga bata pa lamang kami ay nagsuntukan na kame.Kaya lang pareho kaming umiyak.Tinanong kami ng aming guro kung anung nangyari samin.Nang malaman niya ang lahat ay Nagalit siya at pinag iskwat kami ng matagal tapos sa dulo ng mga kamy namin ay may nakapatong na dalwang libro.Nang matapos ang klase saka pa lamang kami pinatigil ng guro namin at tinanong kami,Uulitin nyu pa ba ang ginawa nyu??Syempre ang sabi namin sa kanya ay hindi na muling mauulit,kasi nakakangalay talagang sa buong oras ng klase ay naka iskwat kami.
          Pag uwi ko nang bahay ay kasama ko ang aking mga kaibigan,sa pag gagala namin ay may nakita kaming puno pero hindi namin yun alam kung anung binubunga nito,pero duhat talaga yun,tinawag lang namin itong puno ng Maiitim na ubas.Kasi kulay itim eh.Pero hindi ito kasing lasa at kasing mahal nang tunay na ubas na alam namin.
          Ang hindi ko malilimutang prutas na pinakamasarap para sakin ay ang tinatawag naming strawberry ng mahihirap.Masarap ito kaso mahirap kunin kasi ang daming tinik ng puno nito.Hindi kami makakakuha ng bunga nito kung wala kaming sugat.astig diba??may requirements ang punong yun.Minsan nga nagpaparamihan kami ng sugat.hehe
          Mahilig din akong maglaro ng saranggola,madali lang itong gawingamit lamang ang plastik at patpat at kapag nagawa na ito ay kakaibang saya ang maidudulot sa iyo.
         Ang saranggola ay tulad ng buhay ng isang tao kapag ikaw ay patuloy nang lumilipad ng mataas at kapag naabot mo na ang pinapangarap mong taas kailangan mo nang makuntento at kapag lalo mo pang tinaasan sumirok at bumulusok muli pababa.Dpat kung anung meron ka ay makuntento kana,wag ka dapat maging mapag sarili sa mga bagay bagya na hindi naman nararapat mapasaiyo.
         Ang isa pang kinatutunan kong laruin ay ang patintero,kailangan mo sa larong ito na malampasan ang mga bantay sa bawat linya na dadaanan mo.Ang sarap talagang balikan ang mga ala ala ng pagkabata,laro na yung mga panahong naglalaro pa tayo.Pero sa lahat nang laro ay ang bahaybahayan ang astig,haha.Kasi dito may family planning na agad.
          Kailangan kumuha ka ng kahoy na ipangbabakod mo sa iyung gagawing bahay bahayan.Dapat talaga malalim ang pagkakabaon ng kahoy para hindi agad masira ang gagawin mong bahay.
           Pero para sakin hindi lang paglalaro ang alam naming gawin sa bahay bahayan naming iyun,kasi natuto ako dung magluto ng ibat ibang pagkain, kahit nga ung maliit na dahon ng mangga ay natutunan kong kainin eh.Pero sa paglalaro naming yun ay aksidente kong natabig ang basong babasagin sa loob ng pinaglalaruan namin.Nabasag yun kaya sa takot ko na makita yun ng mama ko na nabasag yung basag yung baso namin ay itinapon ko na lang ito sa labas ng bahay bahayan.
           Sa kasamaang palad naman aybiglang nabuwal ang aming bahay bahayan kaya dali dali akong tumakbo palabas kaso sa pagtakbo kong yun ay hindi ko napansin yung tinapon kong basag na baso kaya nabubog ako.Sa biglaang pagkakatungtong ko sa bubog ay hindi kona naramdaman ang sugat pero natakot ako kasi hindi tumitigil ang paglabas nang dugo sa aking sugat.
           Pag uwi ko samin ay nakita ni mama ang sugat ko,imbis na gamutin nya yun ay pinagalitan nya pa ako,maya maya pa ay kumuha siya nang alcohol at ibinuhos sa sugat ko.Sobrang sakit talaga ng naranasan ko doon.
         At doon ko napagtanto ang mga sinasabi nang mga nakatatanda sakin na Kung ano ang itinapon moay siya ding babalik sayo.
         Pagtungtong kong high school marami nang nagbago,kung dati ay lagi akong laro,ngayung high school ay hindi na uso yun,ang kinahiligan ko na ngayun ay ang pag aaral at pag babasanang libro.
          Nang 1st year ako ay marami akong nakilalang mga bagong kaibigan,nung 2nd year naman ay ganun din bago na naman.Pero nung 3rd year na ko,eto ang pinakamasayang bahagi nang high school life ko,di to nag umpisa ang pagbubulakbol ko,kung saan saan ako pumupunta,basketball court,computer shop at iba pang mga instrumento upang magbulakbol.
         Ginawa ko naman ang lahat upang makabawi.Kaya nung 4th grading ay wala akong bitbit na bagsak na grade.Pero nagyung 4th year madami akong naging barkada,labing isa kaming lahat kaya ang bumangga tibag!!
Kasama ko ang Bestfriend ko ng madalas sa JS namin
Pagkatapos ng JS ay konting kasayahan hehe!!
        At tungkol naman sa grades ko ngayung 4th year ako ay ayus naman kahit may kaunting bagsak.Pero ang malupit sa aming mga 4th year student ay nung JS namin kasi may nakilala akong babae na crush ko talaga.Ang ganda kasi nya eh.Kaya kosiya nagustuhan ay dahil sa pisikan at ugali nya.
          Ang saya naming mag babarkada.Huling huli kami sa akto.HAhahaha
Salawan lang kahit tulog ang ibang kasama namin! !uhm...
          Sana maulit pa ang mga magaganda naming samahan.

Talambuhay ni Joan delos Angeles

           Ako si Joan delos Angele,kipinanganak noong ika-20 nang agosto,1994,nakatira sa brgy.San Diego S.P.C.Ipapakilala ko muna ang aking mga magulang na sina Marivic delos Angeles at Juan delos Angeles.
Kuha kong picture sa bahay ng tita ko
           Ganap na alasdose ng tanghali noon ayon sa kwento ng aking tatay sa akin,naliligo daw kami noon sa sapa ng aking mga pinsan.Dahil wala pa kaming muwang noon sa buhay ay super kukulit at likot namin.Nagbubuhusan kami nang tubig at naghahabulan,pero hindi ko akalaing sa paglalaro namin ay may papalapit na palang aso,sa pangyayaring yun ay lalo kaming nagtakbuhay, sa kasamaang palad ay ako ang nakagat ng aso sa kaliwang binti.Bigla namang nawala ang mga pinsan ko,ayun pala ay nagpunta sila sa bahay upang sabihin kay tatay ang nang yari sa akin.Sa nang yaring yun ay pumunta agad si papa sa aking kinalalagyan,pagkatapos nun ay dali dali siyang sumeretso sa bahay ni na Linda na may ar            Nang mag aapat na taon na daw ako ay ang trabaho daw ng nanay ko nun ay isang labandera.Tumutulong siya sa aking papa upang mabayaran pa ang mga inutang namin sa pagpapagamot dati.May isa nga pala akong kapatid.Ang pangalan nya ay si jovert delos Angeles.i nung aso na kumagat sakit.Kita ko sa aking papa ang sobrang pag aalala nang makita nya ako sa ganung kalagayan.
Bago ako pumasok ay kinuhanan muna ako ng tita ko^_^
          Nung grade 1 nako ay ang guro ko ay nakatanggap ng mga regalo mula sa mga kaklase ko pero ako hiyang hiya sa kanya kasi birthday nya ay wala man lang ako ng naibigay.Pag uwi namin sa bahay ay nagulat ako kasi pupunta daw kami sa jollibee,excited kami ng mga pinsan ko kasi bihira lang kaming pumasok sa jollibee,kasama rin nina ate karen ang kanyang pamangkin.Super cute nya talaga.Kaya lang imbis na sa jollibee kami pupunta nun ay sa lake ang deretso namin kasi puno na ang jollibee.Sayang talaga yun.hmmm
          Pag uwi namin ay tawanan parin kami ng tawanan kahit nsa loob kami nang jeep pati nga si manong drayber ay nakikiepal na sa aming biruan.Pagdating namin sa bahay nina ate ay nagtimpla agad siya ng juice kasi pare pareho kaming  uhaw.Hindi ko talaga malilimutan ang mga sandaling kasa kasama ko siya.
          Noong grade 3 naman ako,si Ms.Elizabeth naman ang aking naging guro.Sobrang istrikto nya samin,kahit konting pagkakamali lamang ang nagawa namin ay pinapagalitan nya agad kame.May motto daw siya sa buhay nya,ayun ay ang Kasalanan ng Isa ay Kasalanan ng Lahat.
         Minsan nga ay may nagdadaldalan sa aking mga katabi kaya buong klase ay pinagsulat nya sa papel ng Hindi Na Po Ako Mag iingay Sa Oras Ng Klase.
Class picture ng ate na mahal na mahal ko
         Ang pinakamagandang nangyari nung elementary pa lamang ako ay nung grade 5 na ko.Kasi dun ko nakilala ang crush ko.Ang saya talaga nun,nagkataon pa na magkatabi kami sa upuan.Lagi kaming nag uusap.Siya ang naging best friend ko nung taon na yun.Hindi ako nahirapang makisalamuha sa iba pa naming kaklase ng dahil sa kanya.Kapag nga may nang aaway samen ay pinapatigil nya kahit alam niya na hindi naman susunod ang iba kong kaklase sa kanya at sa halip siya din ay aasarin nila.
         Grade 6 na ko malapit na ko makatapos ng elementary.Madami akong mga pangyayaring hidi rin malilimutan nung grade 6 ako.Kasi yung best friend ko nung grade 5  na kaklase ko pa rin nung grade6 ay pinadapa ng sir namin kasi daldal ng daldal.yun ang napapala ng maingay hahaha....
Picture ng  mga kabarkada kong makukulit
       Simula nang ako ay mag grade 3 hanggang grade 6 si nanay ay nagtitinda ng gulay at si tatay naman ang naghahatid sa palengke.Dahil sa pagtutulungan nilang mapag tapos kami ng pag aral ng kapatid ko ay nagawa nila ito.Laking pasalamat ko na nga lang kasi nagkamagulang ako na katulad nila.Noong bakasyon naman ay May,2007,dahil bakasyon nangangalakal kami sa bukid upang may maitinda.Pag sabado naman at linggo minsan ay taga hatid naman kami ng ibang kalakal sa palengke.Si tatay naman ang nagtatanim ng ibang gulay na maaari naming ipang ulam upang tipid sa gastusin.Nagtatanim siya ng pechay,mustasa at talong.
        Nung bakasyun din na yun ay tinanong ako ni mama kung gusto ko daw mag high school at kung saan ko daw gustong pumasok.Sabi ko kay mama ay sa Dizon high nalang para makatipid kami sa gastusin.Noong unang araw nang pasukan,sobrang kabado pa ko nun kasi wala akong kakilala sa school.Kung may kakilala man ako dun ay hindi ko naman sila kaklase.Pero may isang babae na nagpakilala sa akin.Yun nga siya ang una kong naging kaibigan nung high school.Siya rin ang itinuturing ko na best friend.Minsan nga naglaro kaming magkaklase ng sipa bola,ang tanga ko ngang sumipa kasi pagsipa ko sa bola ay nadulas ako.Ayun nagtawanan ang mga kaklase ko,sa sobrang hiya ko ay umalis nalang ako dun nang umiiyak.Kinabukasan bumawi naman ako sa kanila,naglaro ulit kami ng sipa bola kaso nang pag sipa ko,hindi na nga ako nadulas pero yung sapatos ko naman ay kasamang tumalsik nung bola.Sabi ko sa sarili ko ang malas ko talaga sa larong yun kasi lagi nalang akong napapasama tuwing sisipa ako.
Class picture namin na kaklase din namin ang kumuha
        Nung second year na ko ay marami na kong naging kaibigan,naging tambayn namin ang tindahan nina tita elsa,nanay ng pinsan kong si Erwin Baldovino.
        Si Erwin na yata ang lagi kong nakikita kasi kaklase ko siya nung 2nd year hanggang 4th year.Tanda ko nung 3rd year ako inaasar ako ng kaklase ko na si Creer na mommy D. daw ang itatawag nya sakin.Sa asar ko sa kanya napag hampas ko siya ng walis tambo.Halos mapaiyak ko nga siya doon.Syempre ikaw ba naman ang hampasin ko ng tambo hindi ka ba masasaktan??
        Ngayung 4th year na ko meron akong nakabarkada na lumiliban ng klase.Pero buti nalang hindi ako sumasama sa kanila dahil kung napasama ako tiyak hindi ako makakapagtapos ng high school.
        Iba talaga ang buhay high school may ibang masaya may iba namang malungkot.
Pero para saken hawak natin ang mga maaaring mangyari sa atin.Nasasaatibn na kung aayusin natin ang sarili natin tungo sa tagumpay.Masaya ako na makakapagtapos ako pero alam ko na doble ang sayang nararamdaman ng mga magulang ko dahil napag tapos nila ang kanilang anak.
      Diba yun lang naman ang pangarap ng isang magulang sa kanilang mga anak?Ang mapagtapos sa pag aaral ang kanilang iniingatang kayamanan,ang kanilang anak.

Sabado, Pebrero 19, 2011

Talambuhay ni Jerhel Agoncillo

          Hayaan nyung ipakilala ko muna ang aking sarili. . Ako si Jerhel Agoncillo ng brgy.Concepcion village S.P.C,16 na taong gulang. .
          Uumpisahan ko ang aking kwento noong ako ay bata pa lamang.Tanda ko pa nung elementary pa lang ako Grade 1,kapag papasok ako ng school gusto ko lagi kong kasama ang mama ko. .. Pag nakita ko siyang umaalis at iniiwan akong mag isa dun ay umiiyak agad ako. . . Ewan ko nga kung bakit eh,pero nung tumagal na din ako sa klaseng yun ay natutunan kong makisama sa mga kaklase ko.
         Tanda ko nun,diba uso pa nun ang bag na may gulong?? nag pagulong ang kaklase ko sa loob ng classroom namin . . Ginaya ko nga siya, kinuha ko agad ang bag ng kaklase ko na may gulong. . Kaso sa kasamaang palad ako ang napag abutan ng techer namin na nag papagulong sa loob ng room namin. .pinagalitan nya ko,alam nyu ba kung anung parusa ang ginawa nya saken?? hmmm....Pinagpagulong nya ko ng sampung beses na pabalik balik sa corridor ng school namin. . Syempre umiyak ako nun,nakakapagod kaya..
         Pero ang pinaka hindi ko malilimutang nangyari saken nung elementary ako ay nung grade 5 palang ako,kasi ganito yun,kaming mag kakaklase ay naglalaro sa gym ng central, sa taas ng gym ay may classroom dun,at sa labas nun ay may painting, syempre curious kme ng kasama ko kung anung klaseng painting ang iginuhit nun.Ibinalik namin agad ito,pero ung isa naming kasama ay kinuha pala ang painting na yun inihian nya nga yun eh. Hindi lang yun ang nangyari sa kaawa awang painting na yun ung isa pa naming kasama ay kinuha ito at ipinadulas yung painting at nasira. . .
         Pagbalik na pagbalik namin sa room namin,pinatayo agad kme ng teacher namin,agad kaming tinanong kung anung kasalanan ang ginawa namin. . .Syempre sa takot ko nalang sa guro ko sinabi ko agad ang totoo. . Pero hindi pala sa lahat ng oras ay dapat totoo ang sinasabi,dahil nung umamin ako ay biglang sinabi nya na dalhin namin ang magulang namin. . Haiz. . . napalala. .
Picture namin sa TLE nung nag pinta kami gamit ang kamay
          Nang bakasyon naman namin,ito na!!! Dito na nag umpisa ang mga trahedya saken. . .sobrang pinahirapan ako ng bakasyon na to. . Daig ko pa ang isang babae,kasi kapag ginagabi ako ng uwi gulpi agad ang katapat ko. . .hmm... minsan nga nag bike ako sa isang subd. kasama ko ang mga barkada ko nun,ipinahiram ko sa kanila ung bike kaso sakto namang dating ng mama ko. . Kita ko sa malayo palang parang may masamang hangin na dumadating at di nga ako nagkamali. . Kanina pa daw nya ko hinahanap . . Yun naman pala bike ko ang hinahanap nya,at nung sabihin ko na ipinahiram ko yun ay habukin ko daw ang barkada ko na yun at kunin ang bike pag katapos kong kunin ay umuwi daw agad ako at mag handa. . Maghanda?Para saan??Alam ko agad kung anung meaning ng salitang yun,walang iba kundi isang malupit na palo!!!
         Pagdating ko agad samen hindi na ko mapakali,iniisip ko kung anung ipang haharang ko sa may puwitan ko,lalagyan ko ba to ng kahoy,karton o dadagdagan ko ang shorts ko. . . haha
        Inaasahan ko na pagdating na pagdating ni mama gulpihan na,hindi nga ako nagkamali. .

Kuha namin sa naganap na concert sa awitan sayawn at tugtugan.Apat kami pero masaya
        Tapos na ang bakasyon grade 6 na ko. . . ang natatandaan ko lang talaga na nangyari nun nung grade 6 ako ay nung nagpaltukan kme ng paple ng mga classmate ko eh. . . tapos nagalit ana guro namin. . . Pinapila nya kaming mga lalaki sa likod ng classroom namin tapos alam nyu ba kung anung sumunod na nangyari??Pinag hubo niya kame!!! yung kaklase ko naman na luko mag huhubo nga!! haha

               Sa pagpapatuloy ng aking kwento ay sisimulan ko itong muli noong ako ay nag high school.Sabi nga nila ang high school life ang may pinakamagandang pangyayari sa ating buhay.
     Kaya lang para namang hindi naging totoo yung mga sinasabi nilang yun tungkol sa magandang nangyayari tuwing high school.
     Nung 1st year ako marami na akong naging kaibigan nun.Gaya nung mga naging kaklase ko nung elementary pa lamang ako.Dito kahit papaano naging masaya ang aking taon.May nakasama ako sa aking pagpapatuloy ng pag aaral.Tanda ko nun si Mam Gonzales teacher ko ng english,Todo pasipsip kame dun,lagi naming ipinagdidilig yun kahit hindi bukal sa aming kalooban.Pero kung alam ko lang na babagsak pala ako dun ay sus edi sana hindi nako nagsumikap.
     Nang second year nako,eto na ang mga pangyayaring hindi ko malilimutan.dito kasi nangyari ang mga masalimuot na trahedya sa aming pamilya.
     Lumipat kasi kame ng bahay nun,pero sa pag lipat naming yun ay para bang hindi ako mapakali sa nilipatan naming bahay.Hindi nga ako nagkamali sa akala ko ilang buwan palang kame sa aming tinitirahan ay para bang bumait sakin si papa.Nilambing nya ko ng sobra,di ko nga maipaliwanag kung gano ako naging kasaya nung gabing yun,kaso yun na pala ang huling gabi na makakasama ko siya.inatake sa puso si papa,dead on arrival sa hospital.Nang pagdating namin sa hospital aynakita pa namin si papa na nakamulat ang mata pero patay na.Nakita ko sa kanyang muka ang paghihirap nya mula nung atakihin siya.Sa bag na dala nya ay may pasalubong pa siya sana sa amin.Pero hindi ako umiyak nang mamatay si papa,kaya lang sa aking kalooban,ramdam ko ang sakit na mawawala na siya sa amin.Gusto ko nang umiyak pero parang ayaw ng aking isipan na ilabas ang luha ko sa aking sarili.
     Natakot kame na pag nalaman ng lola ko ang nangyari kay papa ay atakihin din siya.Kaya nagpasya kaming ilihim nalang ito.Kaso wala kaming karapatan upang hiindi sabihin yun eh.Kasi siya ang ina ni papa.Nang malaman ni lola ang nangyari ay para bang pinanghinaan na siya ng loob at parang ayaw na niyang mabuhay pa.
      Isang buwan na ang nakalipas nagpasama ang aking lolo upang magpagupit,pero habang naglalakad kami ay nakita ko na hinahawakan niya ang kanyang dibdib na parang may iniindang sakit.Yun pala inaatake na sya nun.iniisip ko sa sarili ko na kasalanan ko ang nangyaring iyon sa lolo ko kasi kung sinabi ko agad ang nakita ko kina mama edi sana maaga palang ay nadala na namin siya sa pagamutan.Ilang araw si lolo sa ospital,pero di nagtagal ay inatake ulit siya at namatay.
      Kalilibing lang ng lolo ko pumasok nako sa eskwelahan pero sa pagdating ko sa amin ay may nakita akong tolda sa tapat ng bahay nina lola.Yun pala namatay na ang lola ko na ama ni papa,sinabi nina mama sa akin ang nangyari.Naghihingalo na daw si lola nang makita nina mama,para daw kinakaon na ni papa si lola,pero nang sabihin daw nina mama kay lola na bumigay na siya at magpahinga na.Alam namin na hirap na hirap na si lola sa mga nangyayari sa kanya dulot na din siguro ng katandaan.75 years old na kasi si lola.

Ang kaibigan ko na lagi kong kasama sa pagtambay
      Sa mga nang yaring yun saken,nawala ang tagapayo ko sa buhay.natuto akong magrebelde sa mama ko.
   3rd year ako nung natuto akong mag inom.Pero ang pinakamalala sa lahat ay nung sumali ako sa fraternity.Sa ngayun hindi parin alam nina mama ang pagsali ko dun.Habang sumasali ako sa fraterniting yun ay napakadami kong pinagtiisang paghihirap at sakit sa bawat palong natatanggap ko.Pero wala yun,marami nakong napagdaanang malubha pa dun.Kinaya ko ang mga palo na yun.Di nagtagal marami nang mga bugbugan,rambulan ang nagaganap na kasama ang frat namin.Ngayun alam ko na kung bakit ang iba kong mga kakilala ay nagsisisi kung bakit napoasali sila sa frat.

JS Prom. Kasama ko ang mga kaklase ko
       Pero buti nalang nag JS kami.Dun lang ako muling naging masaya.Kasi pagkatapos na pagkatapos ng JS namin ay tomahan agad ang naganap.Di ko makakalimutan yun. 
       Kahit nag js kami ay wala akong isinayaw nun noh.Tambay lang ako.

Kasama ko ang aking mga kaibigan sa pagkuha ng remembrance na pic.
       Pero ngayung 4th year na ko sineryoso ko na ang aking pag aaral.kaya ngayun Top 1 ako sa klase namin.Kahit hindi masaya ang buhay ko samin ay napupunan naman ito nang saya na dulot nang aking mga kaibigan.Sila nga pala ang mga barkada ko!!! Sina NiƱo,Jaypee,Arjay,at Frank.Sana magkaroon kayu ng tu
     Sana basahin nyu din ang iba pang talambuhay na isusulat ko.Ito naman ang talambuhay ng mga kaibigan ko.