![]() |
Kuha kong picture sa bahay ng tita ko |
![]() |
Bago ako pumasok ay kinuhanan muna ako ng tita ko^_^ |
Pag uwi namin ay tawanan parin kami ng tawanan kahit nsa loob kami nang jeep pati nga si manong drayber ay nakikiepal na sa aming biruan.Pagdating namin sa bahay nina ate ay nagtimpla agad siya ng juice kasi pare pareho kaming uhaw.Hindi ko talaga malilimutan ang mga sandaling kasa kasama ko siya.
Noong grade 3 naman ako,si Ms.Elizabeth naman ang aking naging guro.Sobrang istrikto nya samin,kahit konting pagkakamali lamang ang nagawa namin ay pinapagalitan nya agad kame.May motto daw siya sa buhay nya,ayun ay ang Kasalanan ng Isa ay Kasalanan ng Lahat.
Minsan nga ay may nagdadaldalan sa aking mga katabi kaya buong klase ay pinagsulat nya sa papel ng Hindi Na Po Ako Mag iingay Sa Oras Ng Klase.
![]() |
Class picture ng ate na mahal na mahal ko |
Grade 6 na ko malapit na ko makatapos ng elementary.Madami akong mga pangyayaring hidi rin malilimutan nung grade 6 ako.Kasi yung best friend ko nung grade 5 na kaklase ko pa rin nung grade6 ay pinadapa ng sir namin kasi daldal ng daldal.yun ang napapala ng maingay hahaha....
![]() |
Picture ng mga kabarkada kong makukulit |
Nung bakasyun din na yun ay tinanong ako ni mama kung gusto ko daw mag high school at kung saan ko daw gustong pumasok.Sabi ko kay mama ay sa Dizon high nalang para makatipid kami sa gastusin.Noong unang araw nang pasukan,sobrang kabado pa ko nun kasi wala akong kakilala sa school.Kung may kakilala man ako dun ay hindi ko naman sila kaklase.Pero may isang babae na nagpakilala sa akin.Yun nga siya ang una kong naging kaibigan nung high school.Siya rin ang itinuturing ko na best friend.Minsan nga naglaro kaming magkaklase ng sipa bola,ang tanga ko ngang sumipa kasi pagsipa ko sa bola ay nadulas ako.Ayun nagtawanan ang mga kaklase ko,sa sobrang hiya ko ay umalis nalang ako dun nang umiiyak.Kinabukasan bumawi naman ako sa kanila,naglaro ulit kami ng sipa bola kaso nang pag sipa ko,hindi na nga ako nadulas pero yung sapatos ko naman ay kasamang tumalsik nung bola.Sabi ko sa sarili ko ang malas ko talaga sa larong yun kasi lagi nalang akong napapasama tuwing sisipa ako.
![]() |
Class picture namin na kaklase din namin ang kumuha |
Si Erwin na yata ang lagi kong nakikita kasi kaklase ko siya nung 2nd year hanggang 4th year.Tanda ko nung 3rd year ako inaasar ako ng kaklase ko na si Creer na mommy D. daw ang itatawag nya sakin.Sa asar ko sa kanya napag hampas ko siya ng walis tambo.Halos mapaiyak ko nga siya doon.Syempre ikaw ba naman ang hampasin ko ng tambo hindi ka ba masasaktan??
Ngayung 4th year na ko meron akong nakabarkada na lumiliban ng klase.Pero buti nalang hindi ako sumasama sa kanila dahil kung napasama ako tiyak hindi ako makakapagtapos ng high school.
Iba talaga ang buhay high school may ibang masaya may iba namang malungkot.
Pero para saken hawak natin ang mga maaaring mangyari sa atin.Nasasaatibn na kung aayusin natin ang sarili natin tungo sa tagumpay.Masaya ako na makakapagtapos ako pero alam ko na doble ang sayang nararamdaman ng mga magulang ko dahil napag tapos nila ang kanilang anak.
Diba yun lang naman ang pangarap ng isang magulang sa kanilang mga anak?Ang mapagtapos sa pag aaral ang kanilang iniingatang kayamanan,ang kanilang anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento