Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Talambuhay ni Jordan Montejo

         Nagsimula ang lahat sa San Francisco Calihan,ipinanganak ako noong disyembre 27,1995.Ang buo kong pangalan ay Jordan Audije Montejo.
         Nung bata pa lamang ako ay sakitin nako pero kung hindi dahil kina itay at inay na nagtatrabaho parqa lang makuha ng pambili ng pagkain at gaot sakin ay matagal na akong wala dito.Pero sa paglaki ko naman ay nawala na ang sakit ko na nagpapahirap sakin at saking mga magulang.
         Tanda ko pa nung kasama ko ang anak nina tita ko,lagi kaming naglalaro sa may tabing ilog nang walang kasamang nakatatanda samin.Dahil nga sa mga panahong iyon ay kami lamang ang magkasama ay nagpunta kami sa mismong ilog na upang maligo,kaso di ko inaasahang sa ginawa naming yun ay malulunod ang anking pinsan.Buti nalang maraming tao ang nakatira malapit sa tabing ilog dahil kung walang tao dun marahil wala na ang aking pinsan.
         May mga problema akong hinarap nung elementarya ako,lalo na nung grade 2 pa lamang ako,lagi akong inaasar nung ka klase kong mayabang kaya dahil sa ginawa nya y nagalit ako,nag away kaming dalawa,kahit mga bata pa lamang kami ay nagsuntukan na kame.Kaya lang pareho kaming umiyak.Tinanong kami ng aming guro kung anung nangyari samin.Nang malaman niya ang lahat ay Nagalit siya at pinag iskwat kami ng matagal tapos sa dulo ng mga kamy namin ay may nakapatong na dalwang libro.Nang matapos ang klase saka pa lamang kami pinatigil ng guro namin at tinanong kami,Uulitin nyu pa ba ang ginawa nyu??Syempre ang sabi namin sa kanya ay hindi na muling mauulit,kasi nakakangalay talagang sa buong oras ng klase ay naka iskwat kami.
          Pag uwi ko nang bahay ay kasama ko ang aking mga kaibigan,sa pag gagala namin ay may nakita kaming puno pero hindi namin yun alam kung anung binubunga nito,pero duhat talaga yun,tinawag lang namin itong puno ng Maiitim na ubas.Kasi kulay itim eh.Pero hindi ito kasing lasa at kasing mahal nang tunay na ubas na alam namin.
          Ang hindi ko malilimutang prutas na pinakamasarap para sakin ay ang tinatawag naming strawberry ng mahihirap.Masarap ito kaso mahirap kunin kasi ang daming tinik ng puno nito.Hindi kami makakakuha ng bunga nito kung wala kaming sugat.astig diba??may requirements ang punong yun.Minsan nga nagpaparamihan kami ng sugat.hehe
          Mahilig din akong maglaro ng saranggola,madali lang itong gawingamit lamang ang plastik at patpat at kapag nagawa na ito ay kakaibang saya ang maidudulot sa iyo.
         Ang saranggola ay tulad ng buhay ng isang tao kapag ikaw ay patuloy nang lumilipad ng mataas at kapag naabot mo na ang pinapangarap mong taas kailangan mo nang makuntento at kapag lalo mo pang tinaasan sumirok at bumulusok muli pababa.Dpat kung anung meron ka ay makuntento kana,wag ka dapat maging mapag sarili sa mga bagay bagya na hindi naman nararapat mapasaiyo.
         Ang isa pang kinatutunan kong laruin ay ang patintero,kailangan mo sa larong ito na malampasan ang mga bantay sa bawat linya na dadaanan mo.Ang sarap talagang balikan ang mga ala ala ng pagkabata,laro na yung mga panahong naglalaro pa tayo.Pero sa lahat nang laro ay ang bahaybahayan ang astig,haha.Kasi dito may family planning na agad.
          Kailangan kumuha ka ng kahoy na ipangbabakod mo sa iyung gagawing bahay bahayan.Dapat talaga malalim ang pagkakabaon ng kahoy para hindi agad masira ang gagawin mong bahay.
           Pero para sakin hindi lang paglalaro ang alam naming gawin sa bahay bahayan naming iyun,kasi natuto ako dung magluto ng ibat ibang pagkain, kahit nga ung maliit na dahon ng mangga ay natutunan kong kainin eh.Pero sa paglalaro naming yun ay aksidente kong natabig ang basong babasagin sa loob ng pinaglalaruan namin.Nabasag yun kaya sa takot ko na makita yun ng mama ko na nabasag yung basag yung baso namin ay itinapon ko na lang ito sa labas ng bahay bahayan.
           Sa kasamaang palad naman aybiglang nabuwal ang aming bahay bahayan kaya dali dali akong tumakbo palabas kaso sa pagtakbo kong yun ay hindi ko napansin yung tinapon kong basag na baso kaya nabubog ako.Sa biglaang pagkakatungtong ko sa bubog ay hindi kona naramdaman ang sugat pero natakot ako kasi hindi tumitigil ang paglabas nang dugo sa aking sugat.
           Pag uwi ko samin ay nakita ni mama ang sugat ko,imbis na gamutin nya yun ay pinagalitan nya pa ako,maya maya pa ay kumuha siya nang alcohol at ibinuhos sa sugat ko.Sobrang sakit talaga ng naranasan ko doon.
         At doon ko napagtanto ang mga sinasabi nang mga nakatatanda sakin na Kung ano ang itinapon moay siya ding babalik sayo.
         Pagtungtong kong high school marami nang nagbago,kung dati ay lagi akong laro,ngayung high school ay hindi na uso yun,ang kinahiligan ko na ngayun ay ang pag aaral at pag babasanang libro.
          Nang 1st year ako ay marami akong nakilalang mga bagong kaibigan,nung 2nd year naman ay ganun din bago na naman.Pero nung 3rd year na ko,eto ang pinakamasayang bahagi nang high school life ko,di to nag umpisa ang pagbubulakbol ko,kung saan saan ako pumupunta,basketball court,computer shop at iba pang mga instrumento upang magbulakbol.
         Ginawa ko naman ang lahat upang makabawi.Kaya nung 4th grading ay wala akong bitbit na bagsak na grade.Pero nagyung 4th year madami akong naging barkada,labing isa kaming lahat kaya ang bumangga tibag!!
Kasama ko ang Bestfriend ko ng madalas sa JS namin
Pagkatapos ng JS ay konting kasayahan hehe!!
        At tungkol naman sa grades ko ngayung 4th year ako ay ayus naman kahit may kaunting bagsak.Pero ang malupit sa aming mga 4th year student ay nung JS namin kasi may nakilala akong babae na crush ko talaga.Ang ganda kasi nya eh.Kaya kosiya nagustuhan ay dahil sa pisikan at ugali nya.
          Ang saya naming mag babarkada.Huling huli kami sa akto.HAhahaha
Salawan lang kahit tulog ang ibang kasama namin! !uhm...
          Sana maulit pa ang mga magaganda naming samahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento