Martes, Marso 22, 2011

Ang Talambuhay ni Allan J. Babiano

        Noong January 20,1994,isinilang ako sa bayan ng Victoria Lagujna at napakasaya ng aking mga magulang sapagkat ako ay isinilang na ng malusog at masigla.
        Makalipas lang ang ilang taon ay marunong na rin akong magsalita,sa edad ko ng anim na taon ay pinag aral na ako ng aking mga magulang sa isang pampublikong paaralan lamang,lagi nila akong hinahatid sa paaralan upang matiyak nila ang aking kaligtasan lalong lalo na sa mga sasakyang dumaraan malapit sa aming paaralan.Dati kasi noong ako ay bata pa lamang ay napakalkikot ko at ang paborito ko raw laro noon ay POGS.ayun lang ang natatandaan ko noong ako ay anim na taon na.
Picture namin ng aking Gf noong naganap na JS Prom
        Hindi ko malilimutan ang aking talambuhay kasi noong besperas ng piesta sa amin ay naaksidente ako,hindi ko naman inaasahang mangyayari yun sakin,ang mahulog sa puno ng mangga ng dahil sa pangunguha ng SALAGUBANG.


Picture namin ng may ari ng digi-cam  ^_<
        Kahit ganun ang nangyari sakin ay tuloy parin ang kasiyahan samin,masaya rin naman ako kahit basag ang aking noo sa pagkalaglag sa puno na yun.At nung ako naman ay 10 taong gulang na ay nagka GF na ako,hindi ko naman ginusto yun pero kapag naman kami ay magkasama ay masaya kaming dalawa,lalo na pkapag kami ay sabay na kumakain at habang kumakain ay nagkukwentuhan.Pero sa pag dating ng hapon ay agad na siyang sinusundo ng kanyang mga magulang upang sabay silang umuwi na ng bahay.Yun lang ang natatandaan ko ng ako ay 10 taong gulang.
         Sa paglipas pa ng taon ay may nagawa akong kasalanan sa aking kamag aaral,kasi nagpanuntok kami sa loob ng klase at dahil dun nang suntukin ko siya sa muka ay nagdugo ang kanyang ilong dahil na rin siguro yun sa malakas kong suntok.Dahil sa nangyaring yun ay ako ang nasisi ng aking mga guro at dinala agad akoi sa guidance office.Pag uwi ko saming bahay ay nadatnan ako ng aking papa,pag kakita na pagkakita niya sakin ay pinagpapalo nya ako,ayun pala ay nalaman na niya ang nangyaring yun sa aming paaralan.
isinayaw ko ang aking mahal nung JS
          Sa mga nangyaring yun ay nagpakabait na ko sa pag aaral at maganda naman ang ibinunga nito sakin.Dahil sa pagsisikap ko na maipasa ang aking grades ay nakapagtapos ako ng elementarya.
         Nang ako ay mag high school ay napakadami ko na namang kalokohan sa pag aaral,minsan nga ay nagkaroon ako ng mga kabarkada sa klase,kaso sa pagtagal pa ng araw na magkakasama kami ay ayun pala ay pinapabayaan na nila ako,halimbawa mapaaway ako,iniiwanan nila ako,kaya yun napag isipan ko na ding lumayo nalang sa kanila ksi naisip ko rin nun na hindi makabubuti saki ang pagbarkada sa mga taong hindi mo maituturing na tunay na kaibigan.
Kuha naming larawan noong naganap na js
          Pagtungtong ko ng 2ndyear ay may isang babaing muling nagpatibok saking puso na kaklase ko pa naman,niligawan ko siya at di nagtagal ay naging girlfriend ko siya.Dahil sa babaing yun bumagsak ako sa ilan kong mga subj. hehe.Kaya yun dahil dun muli akong napagalitan ng aking mga magulang kasi inuuna ko daw ang makipag harutan sa mga babae kaysa pag igihin ang aking pag aaral.Dahil din sa kagustuhan ng mama ko na pag aaral daw muna ay nakipag break ako sa girlfriend ko,kaya lang ang sabi ng GF ko sakin ay bakit naman daw basta basta ko siyang iiwan??Pagkatapos ng sinabi nyang yun ay agad nya kong sinampal na halos mamula ang aking muka.
           Sa high school life ko ay nakaranas akong magswimming sa aming klase at dahil din dun ay nag karoon ng isang munting kasiyahan,nag inuman kami at ang matindin dun ay may isang babaeng lumapit sakin na hindi ko namn siya GF kaso kung umasta siya ay akala mo pag aari nya ko.
            Pagkatapos ng aming swimming ay nag inuman na naman kami,haiz. . . ang pakiramdam ko talaga noon ay tutumba na ko,kasi lasing na lasing nako nun.Kaw ba naman ang mag inum ng dalawang beses sa isang okasyon lamang.
Nagsalawan kami bago mag kuhan ng pic.
         Pagsapit noon ng hapos ay nagkayayaan na kaming umuwi na at pag uwi ko ay pinipilit ko na wag mag ekis ang aking lakas kasi liyung liyo pa ko nun e.Pero di bale na kasi hinatid naman ako ng aking GF bago umuwi eh,kaya masaya.Pag uwi ko samin ay agad akong tinanong ng aking mga magulang kung bakit daw hapon nako umuwi,ang sabi sa kanila ay wala lang akong masakyan pauwi,naniwala naman sila sakin kahit alam ko na mali ang magsinungaling atleast nakalusot ako sa tiyak na sermunan na mang yayari sakin dapat nun.
       Ang laki ng pasasalamat ko sa aking Gf na nag aalaga sakin sa lahat ng oras na kailangan ko ng katuwang sa aking mga problema na hindi ko kayang solusyunan magisa.Syempre nagpapasalamat din ako sa aking mga kaibigan na dinadamayan ako sa mga problema ko kahit inuman lang ang hinahatid nila sakin.heheh.


         

Lunes, Marso 21, 2011

Ang Talambuhay ni Justine John Mendoza

     Ang talambuhay ni Baste,ang batang mayabang. ., ipinanganak ako noong ikatatlo ng hunyo,taong 1993 sa ospital ng San Pablo City Laguna.Noong iopinanganak ako ay ang daming natutuwa sakin dahil daw sa sobrang katabaan ko dahil pinaglihi daw ako sa siopao,sabi ng aking ina pinag aagawan ako sa pag karga dahil daw nakukulitan sila sakin.Inalagaan ako ng mabuti hanggang sa magsimula na kong tumungtong sa panibago kong tahanan,ang paaralan.
Buong klase namin kasama si Sir Gutierrez
       Noon ay medyo may isip na ako,kaya natatandaan ko pa na sa tuwing bago ako pumasok ay umiiyak pa ako,dahil limang taong gulang pa lamang ako ng pumasok ay hindi pa ko sanay na mawalay sa aking mga magulang.Pero dahil nga bata pa lamang ako ay baon lang ang iniisip ko kapag napasok,kasi dati ay malaki na din ang aking baon.Pero nung kinder ako,biruin nyu nag honor pa ako.Nung grade 4 naman ako ay naranasan ko ang magmahal,pero para sa iba ay puppy love lang daw yun,pero alam ko at alam din niya na paraho naming crush ang isat isa.Elementary rin ako nung una akong naglaro ng volleyball,grade 2 palang ako nun pero tinetraining na kong mabuti ng aking coach kaya nang mag grade4 na ako ay lumalaban na kami ng volleyball sa ibang eskwelahan.
Kompleto ang barkada nung JS KAya picture2x
       Sa ibat ibang lugar ay naranasan ko na ring lumaban ng volley ball,gaya ng manila,luce at iba pang lugar.Nakasali na rin ako sa deligation ng San Pablo inilaban ako sa panlarong panrelihiyon o tinatawag nilang STCAA,kaya dahil dito ay lalo pang tumibay ang aking pangangatawan sa pag lalaro ng volley ball hanggang sa nagkaroon ako ng mga medal dala ng aking pagkapanalo sa aming pinaglalaruan.
      Nung elementary ay muntik ko na nga palang makalimutan na haging na kong mamatay sa isang pangyayari na kinagat ako ng aso na may rabies,tanda ko nun 50-50 ako sa ospital.Pero dahil sa aking mga magulang ay nakaligtas naman ako sa isang tiyak na kapahamakan.Pero kahit nakaligtas ako hindi ko malilimutan na sa kabila ng pag kakaligtas ko ay ang dami namang itinurok sakin para lang maligtas ako.
Kami ng teacher ko sa english ay kumuha ng picture upang remembrance
       Nung makatungtong na ko ng sekondarya ay medyo kabado pa ako sapagkat 1st tym ko palang na makatungtong at naninibago lang siguro kasi ako sa pinasukan ko.Pero di rin nagtagal ay mabilis rin akong nakapag adjust dahil siguro ang mga kamag aaral ko dun ay aking mga kaibigan at ang iba pa ay kabarkada na.Dati ay masipag pa akong mag aral at pumasok dahil wala pa ako nung kalokohan sa pag aaral e,naglaro pa nga ako noon bilang isang Varsity sa dizon high.
Picture namin ng gf ko
Picture namin ng mahal ko nung kami ay nag sasayaw sa JS
      Napapasama na ko dati sa mga away ng barkada ko,ngunit marami pa rin namang mga katuwaang nangyayari kaya naka abot parin ako ng second year.Nag champion kami dati sa dizon na kahit isang beses ay hindi kami natalo,pero ang alam ko nun ay sa mga susunod pa na taon ay marami pang magagaling ang aming makakalaban sa volleyball.Noong 3rd year ako ay muntik na akong bumagsak pero hindi naman natuloy dahil nag summer class ako.Pero dati rin ay huminto ako ng pag aaral kasi tinatamad narin ako,kaya yun tumambay nalang ako samin ng isang taon.
         Ngayung 4th na ko ay sumali uli ako sa larong volleyball,pero hindi lang basta ako sumali kundi naging Captain Ball pa ako ng team namin.
        Sa lahat nang aming mga pinag daanan nitong 4th year ay ang pinakamaganda ay nung JS Prom dahil diko ko rin nakilala ang aking mahal.hehe kala nyu siguro nakakabored lang ang aking istorya,kahit papaano rin naman ay may love life ako na sa ngayun ay akin pa ring ipoinag papatuloy.Nung naging kami nga ay tinutukso pa ko ng aking mga kaklase na inagawan ko daw ang aking kaibigan,dapat daw kasi ay siya ngayun ang boyfriend ng aking gf ngayun.Hmmm Paxenxia na,una unahan lang talaga yan,malakas ang appeal ko eh ^_^.

Ang Talambuhay ni Kim B. Balanial

       Ako nga pala si Kim B. Balanial,pinanganak ako noong agosto 23,1995,pinanganak ako sa General Hospital S.P.C.
        Noong bata pa ako,edad 1-4 na taon ay wala akong alam kundi ang mangulit sa aking mga magulang at mga kaibigan.Kahit alam ko na galit na sila sa inaasal ko ay tuloy parin ako sa aking mga ginagawa.Pero noong  5 taong gulang na ko ay nagbago na naman ako,at nung taong din yun ay ako ay nagsimulang pumasok ng kinder.Tanda ko nun ay lagi akong hatid sundo ng aking ama,kapag nalaman ko na iniwan nya ko sa paaralan ay umiiyak ako sapagkat alam ko na wala nang poprotekta sakin.
       Nung graduation day namin ay masaya ang pamilya ko sakin dahil alam nila na maganda ang hinaharap ko,regalo nila sakin bilang isang mabuting anak ay ipinaghanda nila ako ng pagkain.Nung bakasyon namin ay nagswimming kami,para sakin isa na rin yung reunion ng aming kamag anakan.
        At nang enrolan na ng grade 1 ay parang ayaw ko nang pumasok ng paaralan pero wala akong nagawa kasi pinilit ako ng aking mga magulang na ipagpatuloy ang aking pag aaral.Tanda ko pa noon na lagi akong natutulog pag hapon,nagkameron ako ng mga kaibigan,doon kami tumira sa Brgy.San Roque Saba,kapag hapon ay naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng tagu taguan,tumbang preso patintero at holen.
         Nang mag grade 5 ako,marami ng nagbago sakin ,medyo hindi na ako naglalaro ng mga pambatang laro,ang nakahiligan ko naman ay ang paglalaro ng computer.
         Nung nagbakasyon ako sa partido ng nanay ko sa San Miguel S.P.C ako pumunta.Pagkatapos nun ay nagpunta kami sa lola ko sa bicol sakto pagpunta namin doon ay piesta pala doon at ng pauwi na kami ay hindi ko malilimutan na naaksidente kami,nawalan ng preno ang sinasakyan namin na tamarraw FX ng nahulog kami sa malaking kanal ay tumaob kami,di ko malilimutan noon na nadag anan ako ng kalahating sako ng bigas sa kanang hita ko buti nalang walang namatay samin.
         Nung grade 6 ako ay sabik na sabik na akong grumaduate at nang makagraduate ako ay nag rnroll ako dito sa paaralan ng dizon.
         Nang 1st year ako ay madalas akong nag cucutting class at nag bike lang lagi ako,pero nagtino rin naman ako sa paglipas ng panahon
          Nang nag 2nd year ako mas naranasan kong maging mas masaya lalo na ng dahil panay ang swimming naming magkakaklase at naging Adolfo rin ako sa Florante at Laura.At di ko inaasahan na magiging 3rd kami sa labanan naming ayun.
Picture ko bago umalis ng bahay namin ^_<
         Noong maging 3rd year ako ay naranasan ko na namang magloko sa pag aaral simula umaga hanggang hapon ay nadoon lang kami sa lake,at nag kakarra,nag babasketball din kami,pero nang malapit na ang 4th grading ay nagawa ko namang habulin ang grades ko.Kaso yung iba ko namang grades ay bagsak parin ako,tanda ko tatlo ata ang bagsak ako.Kaya nung bakasyon ay nagsummer class ako ng science para lang makapag 4th year ako.

Kasama ko lagi sa kasalawan ko sa lahat ng oras kahit klase


Picture namin bilang remembrance sa aming field trip
           At noong enrollan na nang 4th year ay masaya ako dahil nakapag enroll ako kahit alam ko na may dala akong ibang subj, galing sa pag 3rd year ko na ibinagsak ko.Tanda ko nung field trip namin,nagpunta kami sa isang bio-research kung saan napagalitan kami ni Sir Lacsam kasi nagpunta kami sa bawal puntahan ng isang istudyante,malkay ba namin kung laam ko lang na bawal dun edi sana ay hindi na ko sumama.Nakakapagsisi talaga.Pagkatapos nun ay nagpunta kami sa Mall of Asia (MOA) naggala lang kami ng naggala dun at kumain sa mang inasal ng aming hapunan.Bumili rin ako ng 2 dami at isang short para naman may remembrance ako kahit papaano.Naglaro din kami ng naglaro sa time zone pero ala naman kaming nakuhang manika doon,natalo lang ako ng 250pesos ay.Pero masaya naman kaya ng pauwi na kami ay lahat kami ay nakatulog sa bus,haiz. . . Lahat kami ay sobrang pagod na pagod.Nung 4:30 ng maga ay dumeretso kami sa lake at nag bike at pag uwi ko naman ng bahay aynatulog nalang ako hanggang 2:00 ng hapon.
kinuha kong larawan na kunwari may kasama akong scientist^_^
           Nagdaan pa ang mga araw ay nagkaroon ng mga bagong programa sa amin paaralan,ito ay ang cheer dance.Halos yata araw-araw ay nag ppractice kami ng sayaw sa may Onestop pero ng nag perform na kami ay hindi kami pinalad na manalo.Kinabukasan naman ay nagkaroon ng palaro ng intersection sa volleyball at basket ball tapos pag uwi ko haiz. . .Sobra akong pagod ayun deretsong tulog.
Sa loob ng BUS namin ako kumuha nito,akala nga nila babae ako
          Sa mga mambabasa ng aking mga sulat,ang maipapayo ko lang sa inyu dito sa Talambuhay na ito ay wag na kayung mag tangkang magbulakbol sa klase.Nagawa ko na rin yan,walang naidulot na maganda sakin kaya ngayun eto ang tiwala ng aking mga magulang ay nawala.Hahayaan nyu pa bang mangyari yu nsa inyu?
    
   Sa ngayun yan na muna ang ikukwento ko sa inyu sa aking Talambuhay. .
      

Huwebes, Marso 17, 2011

Ang Talambuhay ni Jennifer Talavera Varua

Ako nga pala si Jennifer Varua labing anim na taong gulang at nakatira sa Brgy.San Benito Alaminos Laguna.Ang kapanganakan ko nga pala ay noong Oktubre 21,1994.Apat kaming magkakapatid na pare parehong napalaki ng mabuti nang aming magulang.Ang aking butihing ina ay si Helen Varua,siya ay isang mabait na housewife,ang aking ama naman ay si Jimmy Varua na isa namang pintor.
Masaya kami kasi buo ang aming pamilya,siguro naman lahat ng tao ay masaya makaita lang na buo ang kanilang pamilya diba?.Dati nung bata pa lamangako ay mahilig ako kumain ng gula pero ngayun na malaki na ko ay ang masasabi ko lamng ay "I Hate Vegetables"!!! Hahahaha.Sobrang taba ko talaga dati nakala mo ba ay mapapagkamalan mo kong lalaki,But ngayon well hindi nako katulad ng dati eehh!!...heheh
Elementary Life!Isip bata pa kotalaga noon,hilig ko makipaglaro nunkahit kanikanino basta maging masaya ako.Ang masasabi ko lang sa inyo ay wala na talagang mas sasayapa sabuhay highschool,kasi dito mo mararanasan ang tunay na hirap,saya,excitement at iba pa.Sa high school maari mo makilala ang tunay mong kaibigan at minsan naman ay may makikilala ka ring tao na hihigitin ka pailalim upang bumagsak at hindi makatapos ng pag aaral.Ang masasabi ko lang asa inyo ay sa lahat ng tao ay wag na wag mo sanang makilala ang taong traydor at dadalhin ka sa masamang daan ma hindi mag tatagal kapag kasama mo siya ay matututo ka nang kanyang mga masasamang bisyo o gawain.
Sa high school dito ko natutunan lahat ang mga bagay bagay kung paano makipagkaibigan at makitungo sa iba at higit sa lahat ay kung paano mainlove.
Napagtripan kong kumaha ng isang picture gamit ang cp ng ate ko.

Nung 1st to 2nd year ay medyo walang thrill akong nadama kasi noon ay puro nakafocuss lang sa pag aaral ang aking mga kasama.Mga isip bata pa kami nun eh.Wala nang hihigit pa sa section namin na yun kasi doon mo malalaman sa umpisa ng highschool ang ugali ng mga tao sa school na pinasukan mo.
Kaya nung 3rd year na ko ay pinilit kong kilalaning mabuti ang aking pakisasamahan,pero etong taon na to ayeto lang ang masasabi ko,The Best!!.dito ako nainlove!!hhehehe. . Napabarkada pa nga ako nun kaya yun no time for schooling,pero isa pa rin yun sa aking priority,hindi ko malilimutan yon kasi naging bad girl ako.
Para akong lalaki dati kaya kapag nag pause ay laging naka check!

Dati talaga ay nasagotko ang aking guro hehe.Nung JS naman namin ay super saya ko,kasi nalaman ko na marami pala ang may gusto sakin at napakarami rin ang nagsayawa sakin,ang mas masaya ay nung sinayaw akong crush ko OMG!:)Ang saaya ng 3rd year life ko!!
Ngayung 4th year nako,haist!dito ako nagka boyfriend na kaklase ko pa!pero hindi rin kami nagtagal dahil priority ko parinang aking pag aaral.Medyo masaya ang 4th year ko kasi sobrang gugulo ng aking mga kaklase,pero da best parin sila kasi kapag may prolema ang isa ay nagdadamayan sila upang tulungan ang may problema.Hindi na ko sumali ng JS namin ngayung 4th year kasi Hawaiian ang conceps ng JS pero hindi ko alam na mas masaya pala dun.Pero nung shindig ay sumali na ako kahit medyo borring ay masaya sin naman kasi gawa nung crush ko ang cute nya kasi ay. . Sinama ko si Margy para may kasabay ako pauwe. hahah hmp?
Ngayun korin naranasan ang mag timer!sshhh!!! pero sineryoso ko rin naman sila.Ang mas masayang part nito ay nung na announced na ang mga pangalan ng mga ggraduate nalaman ko na kasama ako,yes!!makakapagcollege na ko!!amp?!Sana makahanap na ako ng trabaho na maganda para matulungan ko ang aking magulang.hmmmAyoko silang nakikitang nahihirapan eh. . Da Best ang Highschool life ko!!
Tuwing kasama ko ang aking BFF ay kami ang laging nagpipicturan

Ang Talambuhay ni Anicris Dumandan Villanueva

Ako nga pala si Anicris Villanueva labing anim na taong gulang at nakatira sa Brgy San Benito Alaminos Laguna,ipinanganak ako noong Oktubre 14,1994.Tatlo kaming magkakapatid,ang magulang ko naman ay si Anita Villanueva,siya ay housewife lamang at ang aking ama naman nasi Cristito Villanueva ay isang karpintero,maayus naman ang aking pamilya,masaya kami lalo na kapag kami ay kompleto na magkakasama.
Nung bata pa ako ay mahilig akong kumain ng kahit ano basta mabusog lang ako,mahilig din akong manood ng T.V,at maglaro nung bata pa ako,tanda ko nun kapag naglalaro ako ay hindi ako nauwisamin ng hindi madungis.Minsan nga nagtago pa ako sa likod ng bahay namin para lang hindi ako makita ng aking mama na ganun kadungis,baka kasi mapagalitan lang ako at pagpaliguin,ayaw ko kasi maligo dati,ewan ko nga kung bakit,dahil siguro yun na bata palang ako.
Naalala ko dati nung first time ko na mabungian sa unahan pa yun,iyak ako ng iyak dahil hindi lang ako bungi kundi masakit pa ang aking ngipin nun.Dala kasi ng dala ng candy nun ang papa ko syempre bata palang ako kaya mahilig ako kumain ng candy na dala ng papa ko,yan tuloy kakakain ko ng candy sumakit ang ngipin ko.Nag sisisi talaga ako nun kung hindi dahil sa candy hindi sana ako mabubungi.Ang panget ko talaga noon muka akong lalaki kasi sobrang iksi ng buhok ko noon tapos sobrang taba ko tapos bungi pa,talagang nakakadiri ako nun!!!
Nung una kong pasok sa elementary ay ayaw ko pa talagang pumasok nun kasi takot ako sa mga guro,kasi dati ang alam ko sa guro ay namamalo kaya takot na takot ako nun,kaya bago pumasok ay umiiyak muna ako.Pero di nagtagal ay nalaman ko na mababait pala sila kasi kaya langnaman ako natakot sa mga teacher ay gawa ng mama,sabi nya kasi sakin aypag hindi ako sumulat ay mapapalo daw ako ng teacher namin.Kaya yun tumatak sa isip ko na ganun ang mga ugali ng teacher pero ngayung na experience ko nang pumasok ay nalaman ko na mali pala ang akala ko.
Masaya naman ang buhay elementary ko kahit minsan aysobra kong likot sa school,pati dun din ako 2st time nagkacrush sa isang lalaki,alam kong hindi ko pa alam ang tunay na ibig sabihin ng salitang crush ang alam ko sa salitang yun ay true love na talaga.Grade 5 ako noon at may crush akong grade 6 na,sobrang pogi kasi nung lalaki minsan nga pag recess na ay inaabangan ko siya sa canteen dahil alam kong pupunta siya doon at yun lang din ang pagkakataon na makikita ko siya.
Nang malaman ng mama ko na may nagugustuhan na akong lalaki ay agad akong pinagsabihan ni mama naisip ko nun na tama ang pangangaral nang aking mama sa akin na unahin ko ang pag aaral dahil nakakasira daw ng pag aaral ang mga crush crush na yun.Kaya yun hindi ko na crush yung lalaki,ang bilis noh. . .hehee
Natatak na sa isip ko ang sinabing yun ni mama pero ok lang,ang mahalaga ay ang aking pag aaral.
Ngayung high school na ako ay ang dami kong pinagdaanan pero dahil sa sipag at tiyaga na inilaan ko sa pag aaral ay alam ko sa sarili ko na makakatapos ako ng pag aaral.
Kapag nasa bahay happy ako kahit mag isa ,may camera naman hehehe!!.
Dahilsa payo ng aking mga magulang sakin ay sisikapin ko na makatapos dahil alam ko na lagi silang nandiyan sa tabi sa oras na kailangan ko sila,buti nga ako may mga magulang na lagi akong sinusoportahan sa lahat ng bagay na alam nilang makakabuti sakin.Pero ang hinding hindi komalilimutan ay nng nagaway sina mama at papa nang dahil sa pera,muntik na lumayas nun si mama buti nga hindi niya tinuloy ang pag alisdahil naisip daw nya na pag umalis siya ay pano na raw kami,edi wala na daw mag aalaga saming magkakapatid diba.Naging aral na sakin na mahalaga pala ang pera sa oras ng pangangailangan kaya itinanim ko sa isip ko na mag iipon ako at hindi magiging gstadora at wag gumastos sa mga walang kabuluhan na bagay.
Kapag kasama ko ang mabait kong kapatid ay lagi ko siyang kasama sa kulitan ^_^
Kinabukasan noon ay nagkaayos na muli ang aking mga magulang,masaya ako nun na nag kaayos na sila kaya nga minsan ay naisip ko na masuwerte pa pala kami merong magulang na nagmamahal samin at nag aalaga kayamarami akong natutunan sa amin kaya lagi kong iisipin na lagi akong mananaligsa Diyos at magiging matiyaga na ako sa lahat ng bagay simula ngayon.Buti nalang may mga kaibigan akongnasasandalan sa oras na may problema ako.Salamat sa kanila. . .
Huling larawan na kuha naming magkakaibigan.

Martes, Marso 15, 2011

Ang Talambuhay ni Yrral Timothy B. Sahagun

Ako si Yrral Sahagun,17 years old,nakatirasa Guadalupe 1 Brgy 2-b.Ako po ay isang lalake at meron po akong dalawang babaeng kapatid.Sila po ay sina Shaira Camille at Eunice Jenina Sahagun,Ang pangalan po ng aking ama ay si Larry Sahagun at ang ina ko naman ay si MArilou Sahagun.Ako po ay ipinanganak noong January 16,1994.
Class picture namin na muntik nang hindi matuloy
Nung ako po ay bata pa lamang ay napansin ng aking mga magulang na malaking balat daw ako sa pisngi at ito daw ay kulay pula.Pero sa paglaki ko ayunti unti na rin itong nawala.
Nung ako ay nagkinder na aysa aming baranggay ako pumasok,palagi akong hinahatid ng akingmagulang patungo sa eskwelahan upangmatiyak niya ang aking kaligtasan,akoay spoiled sa amin,lagi nilang ibinibigay kung ano ang aking gustuhin,siguro dahil ako ang unang apo ng lolo at lola ko.
Nang makatapos na ako ng kinder ay may sabit pa ako.Nag elementarya ako sa Ambray Elementary School,naging guro ko dun ng grade 1 ay si Mrs.Quinto.Nung araw na yun ay sobra kong likot,dati kasi dun pa kaminakatira sa Villa Antonio Phase 1 sa mismong bahay namin ngayun.Lagi akong napapagalitan ng aking guro siguro dahil lagi akong late sa pagpasok at sa sobra ko na ring kasalawan.
Proud to be mag iinum!! haha!!
Nung nakatungtong na ko ng grade 2 ay guro ko naman nun si Mrs.Simay,siya ay napakabait samin,para sakin siya na ang pinakamabait sa lahat kasi kahit anung kakulitan ko sa school ay ayus lang sa kanya bastat alam niya na hindi kami mapupunta sa masama.Nung grade 2 din ako ay nagka gusto ako sa isang babaeng lagi kong kinukulit kahit medyo mataray siya.
Pero nung pagtungtong ko ng grade 3 ay medyo may pinagbago na rin ako,kasi kahit papaano ay nabawasan ang pagkakulit ko.Siguro kaya lang naman ako nagpakabait ay sobra kasing taray ng aking naging guro siya ay si Mam Cagayat.Tuwing recess napaparusahan kami.Pero kahit ganun ang nangyari sakin ay nakapasa naman ako at nakatungtong ng grade 4.Dun medyo nagmamatured na ko bilang isang lalaki.Hindi na ako medyo magaslaw kasi mabait naman ang guro namin.Siya naman ay si Mrs.Capuno na isang iglesia kaya siguro siya mabait.Para ngang paburito niya kami kasi nagkaroon din kami ng reunion nang makapagtapos kami ng grade 4.
Picture naming magkakaklase after the JS Prom
At nung grade 5 naman ako ay talagang tinuluyan ko na ang aking pagbabait kasi napag isip isip kona rin noon na malapit na akong grumaduate.Kaya nung grade 6 ako ay nakaranan ako ng isang masayang JS.Ang sarap sa pakiramdam na kasayaw mo ang iyung crush habang may kantang malambing.Pero ang pina exciting sa lahat ay nung sasabihin na samin kung sino ang mga makakagraduate,lahat kami ay kabado sa maaaring sabihin ng aming guro,pero ng sabihin ng guro namin na lahat kami ay makakagraduate ay yun nagsigawan na kami,sobrang saya ng mga araw nayun para sakin.
Tapos yun ng graduation ko ay medyo lang kabado ako kasi wala pa si mama,nasa ibang bansa.Pero angsaya kasi habang umaawit kami ng graduation song ay halos lahat kami ay napapaluha sa sobrang saya na makakapagtapos na kami ng elementarya.Pagkatapos nung graduation namin ay nagbakasyon ako sa Guadalupe at yung bakasyon na yun ay wala akong ginawa kundi magbasketball at maggala kasama ang barkada.Napasali ako nun sa liga sa amin at hindi lang napasali kundi lumaban pa kami sa championship.
Happy to be in our JS Prom.
Ngayun nga na high school na ko ay nag enroll ako sa dizon hign nasa ngayun ay dito parin ako pumapasok,nung 1st na ko ay ang section ko ay 1-F naging kaklaswe ko pa nga nun ang aking pinsan sa hindi inaasahang panahon,haha.Sarap nga pumasok nunkasi nung 1st palang ako ay may half day pa diba.Pero nung 2nd year nako ay dun ko natutunan na bumarkada kaya dun din ako natutong magbisyo at kung ano ano pang kalokohan sa buhay.At nung 3rd year nako ay pasa parin naman ako kahit papaano,pero sa level na ito hindi ko malilimutan kasi kaming magbabarkada ay laging magkakasama salahat ng bagay saan man pumunta.Kaya samasama rin kaming umattend nun ng JS .At ngayung 4th year nako ay ginawa ko ang lahat para mapabilang akosa mga kaklase kong magsisipagtapos at magigingmaginhawa ang buhay balang araw.
Kaya ngayung April 2 ay asahan nyu na makikita nyu ako sa graduation hawak ang aking DIPLOMA!!Dahil yan sa pagsisikap kong makapag tapos,kaya kahit may bisyo wag lang aalisin sa isipan na makakapagtapos ka.