Uumpisahan ko ang aking kwento noong ako ay bata pa lamang.Tanda ko pa nung elementary pa lang ako Grade 1,kapag papasok ako ng school gusto ko lagi kong kasama ang mama ko. .. Pag nakita ko siyang umaalis at iniiwan akong mag isa dun ay umiiyak agad ako. . . Ewan ko nga kung bakit eh,pero nung tumagal na din ako sa klaseng yun ay natutunan kong makisama sa mga kaklase ko.
Tanda ko nun,diba uso pa nun ang bag na may gulong?? nag pagulong ang kaklase ko sa loob ng classroom namin . . Ginaya ko nga siya, kinuha ko agad ang bag ng kaklase ko na may gulong. . Kaso sa kasamaang palad ako ang napag abutan ng techer namin na nag papagulong sa loob ng room namin. .pinagalitan nya ko,alam nyu ba kung anung parusa ang ginawa nya saken?? hmmm....Pinagpagulong nya ko ng sampung beses na pabalik balik sa corridor ng school namin. . Syempre umiyak ako nun,nakakapagod kaya..
Pero ang pinaka hindi ko malilimutang nangyari saken nung elementary ako ay nung grade 5 palang ako,kasi ganito yun,kaming mag kakaklase ay naglalaro sa gym ng central, sa taas ng gym ay may classroom dun,at sa labas nun ay may painting, syempre curious kme ng kasama ko kung anung klaseng painting ang iginuhit nun.Ibinalik namin agad ito,pero ung isa naming kasama ay kinuha pala ang painting na yun inihian nya nga yun eh. Hindi lang yun ang nangyari sa kaawa awang painting na yun ung isa pa naming kasama ay kinuha ito at ipinadulas yung painting at nasira. . .
Pagbalik na pagbalik namin sa room namin,pinatayo agad kme ng teacher namin,agad kaming tinanong kung anung kasalanan ang ginawa namin. . .Syempre sa takot ko nalang sa guro ko sinabi ko agad ang totoo. . Pero hindi pala sa lahat ng oras ay dapat totoo ang sinasabi,dahil nung umamin ako ay biglang sinabi nya na dalhin namin ang magulang namin. . Haiz. . . napalala. .
![]() |
Picture namin sa TLE nung nag pinta kami gamit ang kamay |
Pagdating ko agad samen hindi na ko mapakali,iniisip ko kung anung ipang haharang ko sa may puwitan ko,lalagyan ko ba to ng kahoy,karton o dadagdagan ko ang shorts ko. . . haha
Inaasahan ko na pagdating na pagdating ni mama gulpihan na,hindi nga ako nagkamali. .
![]() |
Kuha namin sa naganap na concert sa awitan sayawn at tugtugan.Apat kami pero masaya |
Sa pagpapatuloy ng aking kwento ay sisimulan ko itong muli noong ako ay nag high school.Sabi nga nila ang high school life ang may pinakamagandang pangyayari sa ating buhay.
Kaya lang para namang hindi naging totoo yung mga sinasabi nilang yun tungkol sa magandang nangyayari tuwing high school.
Nung 1st year ako marami na akong naging kaibigan nun.Gaya nung mga naging kaklase ko nung elementary pa lamang ako.Dito kahit papaano naging masaya ang aking taon.May nakasama ako sa aking pagpapatuloy ng pag aaral.Tanda ko nun si Mam Gonzales teacher ko ng english,Todo pasipsip kame dun,lagi naming ipinagdidilig yun kahit hindi bukal sa aming kalooban.Pero kung alam ko lang na babagsak pala ako dun ay sus edi sana hindi nako nagsumikap.
Nang second year nako,eto na ang mga pangyayaring hindi ko malilimutan.dito kasi nangyari ang mga masalimuot na trahedya sa aming pamilya.
Lumipat kasi kame ng bahay nun,pero sa pag lipat naming yun ay para bang hindi ako mapakali sa nilipatan naming bahay.Hindi nga ako nagkamali sa akala ko ilang buwan palang kame sa aming tinitirahan ay para bang bumait sakin si papa.Nilambing nya ko ng sobra,di ko nga maipaliwanag kung gano ako naging kasaya nung gabing yun,kaso yun na pala ang huling gabi na makakasama ko siya.inatake sa puso si papa,dead on arrival sa hospital.Nang pagdating namin sa hospital aynakita pa namin si papa na nakamulat ang mata pero patay na.Nakita ko sa kanyang muka ang paghihirap nya mula nung atakihin siya.Sa bag na dala nya ay may pasalubong pa siya sana sa amin.Pero hindi ako umiyak nang mamatay si papa,kaya lang sa aking kalooban,ramdam ko ang sakit na mawawala na siya sa amin.Gusto ko nang umiyak pero parang ayaw ng aking isipan na ilabas ang luha ko sa aking sarili.
Natakot kame na pag nalaman ng lola ko ang nangyari kay papa ay atakihin din siya.Kaya nagpasya kaming ilihim nalang ito.Kaso wala kaming karapatan upang hiindi sabihin yun eh.Kasi siya ang ina ni papa.Nang malaman ni lola ang nangyari ay para bang pinanghinaan na siya ng loob at parang ayaw na niyang mabuhay pa.
Isang buwan na ang nakalipas nagpasama ang aking lolo upang magpagupit,pero habang naglalakad kami ay nakita ko na hinahawakan niya ang kanyang dibdib na parang may iniindang sakit.Yun pala inaatake na sya nun.iniisip ko sa sarili ko na kasalanan ko ang nangyaring iyon sa lolo ko kasi kung sinabi ko agad ang nakita ko kina mama edi sana maaga palang ay nadala na namin siya sa pagamutan.Ilang araw si lolo sa ospital,pero di nagtagal ay inatake ulit siya at namatay.
Kalilibing lang ng lolo ko pumasok nako sa eskwelahan pero sa pagdating ko sa amin ay may nakita akong tolda sa tapat ng bahay nina lola.Yun pala namatay na ang lola ko na ama ni papa,sinabi nina mama sa akin ang nangyari.Naghihingalo na daw si lola nang makita nina mama,para daw kinakaon na ni papa si lola,pero nang sabihin daw nina mama kay lola na bumigay na siya at magpahinga na.Alam namin na hirap na hirap na si lola sa mga nangyayari sa kanya dulot na din siguro ng katandaan.75 years old na kasi si lola.
![]() |
Ang kaibigan ko na lagi kong kasama sa pagtambay |
3rd year ako nung natuto akong mag inom.Pero ang pinakamalala sa lahat ay nung sumali ako sa fraternity.Sa ngayun hindi parin alam nina mama ang pagsali ko dun.Habang sumasali ako sa fraterniting yun ay napakadami kong pinagtiisang paghihirap at sakit sa bawat palong natatanggap ko.Pero wala yun,marami nakong napagdaanang malubha pa dun.Kinaya ko ang mga palo na yun.Di nagtagal marami nang mga bugbugan,rambulan ang nagaganap na kasama ang frat namin.Ngayun alam ko na kung bakit ang iba kong mga kakilala ay nagsisisi kung bakit napoasali sila sa frat.
![]() |
JS Prom. Kasama ko ang mga kaklase ko |
Kahit nag js kami ay wala akong isinayaw nun noh.Tambay lang ako.
![]() |
Kasama ko ang aking mga kaibigan sa pagkuha ng remembrance na pic. |
Sana basahin nyu din ang iba pang talambuhay na isusulat ko.Ito naman ang talambuhay ng mga kaibigan ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento