Ako ay nagsimulang mag aral ng kinder noong ako ay naging 6 na taong gulang naat pumasok ako sa bagong bayan daycare center lagi akong inihahatid ng aking ina at tuwing pag awas ay nagpapabili ako sa kanya ng pagkaen at minsan ay laruan at noong ako ay nagtapos na ng aking pag kikinder ay nirigalohan ako ng aking ama ng kotse at ipinaghanda din nila ako ng sopas at pancit.
Noong nag b-day naman ako ay ipinag patay ako ng baboy ng aking ama upang gawing handa at napaka dami kung natanggap na regalo noon kaya ako ay masayang masaya at tuwing sumasapit ang bakasyon ay nag babakasyon kami ng kapatid ko sa liliw sa bahay ng mga pinsan ko at pumasok naman ako ng elementary sa San Pablo Central School.
Noong unang pasukan ay nahihiya pa ako dahil wala pa akung kakilala pero pag tagal tagal ay marami na rin akung naging kaibigan. Mababait naman silang lahat pero meron din akong bargas na kaklase at makukulit.
![]() |
Kunwari manghuhula ako |
Pero kahit papaano ay mabait naman ang teacher ko at magaling din siyang mag turo. Tinuruan nya kaming sumulat ng kabit-kabit at lagi din akung napapaaway, uso nun ang mga siga sa room.
Kaya gusto kung maging siga kaya lagi akong napapaaway sa isa kong kaklase na gust ring maging siga sa room namin pero ang away naming ay away bata lang naman na puro bungguan at tulakan at natapos ko rin ang grade 3 tapos nun ay naging grade 4 na ako. Panibagong mga kaklase at kaibigan nanaman pero may akong kaklase na kaklase kuna kaya noong unang pasukan ay may kakilala na agad ako. L
Lagi akong tinatawag ng teacher ko para sumagot pero minsan ay hindi ko nasasagot ang mga tanong niya dahil minsan ay hindi naman ako nakikinig. Ang pinaka gusto kong subject noon ay science at hekasi dahil madali lang at interesado ako sa subject at ang pinaka ayaw ko naman sa math dahil nahihirapan ako mag solve at nakatapos din ako ng grade 3 at grade 4 na ako sa pasukan.
![]() |
Sumusunod ako sa uso kaya napagtripan ko na magsuot ng ganyan ^_< |
Tuwing lunes ng umaga naman ay may flag ceremony kami pero minsan hindi ako nakaka attend dahil nag gagala na lamang kami.
Tuwing papasok sa umaga ay mag kasabay kami ng kapatid ko at pag awas naman ay napunta ako sa office ng aking ama at tuwang tuwa sa akin ang mga ka opisina niya dahil ang kulit kulit ko daw at tuwing na ng hapon ay uuwi na kami.
Pag pasko naman ay dinadala ako ng aking ama sa mga ninong at ninang ko para mamasko lagi akong nakakadami ng napapaskohan noon at pagkatapos ng pasko ay bagong taon naman mas masaya ang bagong taon kasi ang dami naming handa at pag nag 12:00 na ng gabi ay lumalabas kami para manuod ng mga nagpapaputok at napaka ganda ng kalangitan noon dahil puro fire works at pagkatapos ng putokan sa labas ay papasok na kami sa luobb para sabay sabay kumaen at maya maya ay tutulog na.
Nakatapos nadin ako ng grade 4 at grade 5 na ako sa paukan mas masaya ang nagging grade 5 ko dahil mas madami ako nagging kaibigan at natuto narin akong bumarkada. Lagi kami mag kakasama nuon at puro kalokohan kami kaya madalas din kaming napapalabas ng guro. Pag sabado ay napunta ako sa bahay ng kaklase ko para duon maglaro ng playstation at hapon na ako uuwi.
Pag nasa school din kami ay lagi kaming nag lalaro ng habol habolan at nakatapos na ako ng grade 5. Grade 6 na ako pero malungkot dahil hindi ko na kaklase ang mga kaibigan ko nung grade 5 pero may mga bago akong kaibigan na nakilala at masaya din sila kasama.
Sa kanila ako natutong mag computer at na addict ako dito minsan ay late ako sa pang hapon kong subject dahil nag kocomputer pa ako kaya dahil duon ay bumaba ang aking mga grades. Kaya tinigil ko muna ang pag kocomputer ko at nag aral mabuti para tumaas ang mga bagsak kong marka at dahil sa pag aaral ko ay tumaas na muli aking mga marka.
Nag X-mas party kami nuon at ang nakuha kulang ay picture frame at may kaklase kaming bakla na lagi naming pinag titripan at dumating na ang araw ng aking pag graduate at masayang masaya ang mga magulang ko nun dahil nakatapos na ako ng elementary at high school na ako sa susunod na pasukan kaya pinaghanda nila ako at binigyan akong aquarium ng aking tiyo.
Dumating na ang araw na papasok na ako ng 4thyear kaya kabado ako dahil mga bagong muka ang nakikita ko at hindi ko pa alam kung saan ang room ko kaya hinanap ko ito buti na lang may kaklase akong kakilala ko kaya may makakasama na ako.
Tuwing reses at awasan ay kami ang mag kasama noong una pero pag tagal tagal ay marami na rin kaming naging kakilala at kabarkada tuwing uwian ay mag kakasabay kaming naglalakad at puro kalokohan din kami noon kaya bumagsak ako sa iba kong subject pero naipasa ko rin ito at pa permahan na ng clearance.
![]() |
Picture ko nung JS na inedit ko dahil fan ako ng MYX |
Minsan ay nag punta kami sa bahay ng kaklase naming at nung pa uwi na kami ay doon kami dumaan sa pababa papunta sa lake at bigla akong nadulas at nag pa gilong gilong hanggang gitna buti na lang ay nakapitan ako ng kaklase ko kaya hindi nag daredaretso ang pag kaka hulog ko kaya nag pasalamat ako sa kanya at nakatapos din ako ng 2nd year ng walang hulog na subject.
3rd year na ako ngayon at naging masaya ang taong ito dahil madaming magaling mag patawa sa room naming at lagi samin na bubuset ang mga teacher naming dahil napaka kulit namin at napaka ingay pa lagi din nangungupit ang isa naming kaklase ng C.E.D kaya minsan ay libre na kami sa CED at nung 3rd year kami ay pag nag kayayaan mag ang dalawa ay mag kacutting na rin ang mga iba kaya pag dating ng hapon ay kunti na lamang ang napasok at noong nag J.S na nga ay masaya din dahil 1st time ko pa lamang ito. Kunti lang ang naisayaw ko dahil nahihiya akong mag sayaw sa gitna at pag katapos ng J.S ay nagka yayaang mag inom kaya sumama ako.
![]() |
Isang magandang picture namin noong JS Prom na hindi namin makakalimutan |
1st time ko lang din magi nom nuon kaya malakas pa akong magi nom pero nung naubos na naming yung mga alak ay ako`y hilong hilo at hindi na ako makatayo kaya doon na lamang ako natulog sa bahay ng kaklase ko at ang iba kaklase ay lasing na rin nung nagising ako ay 2:00 na ng hapon at umuwi na ako medyo hilo pa ako nun.
![]() |
!st tym ko mag inum after JS |
Kaya pagka uwi ko ay naligo agad ako. Nakatapos na rin ako ng 3rd year ng walang hulog na subject at nag 4th year na nga ako isang taon na lamang at gagraduate na ako. Kaya ngayong 4th year ay nag sisikap na akong mag aral para maka graduate at mag collage na masaya rin ang 4th year ko ngayon dahil ditto ko nakilala ang 1 tao na G.F ko na hanggang ngayon ay g.f ko parin at masaya din dahil sa mga barkada ko at sana maka graduate ako yun lang.
![]() |
Picture namin ng mahal ko |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento