Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Talambuhay ni Felix Dumaguin

Sisimulan kong ipakilala ang aking sarili,ako nga pala si Felix Rojo Dumaguin ipinanganak noong taong 1889 buwan ng abril 14.Ang mga magulang ko nga pala ay c Alex Asueldo Dumaguin at ang aking inang si Fe Manzanilla.
Nagkakilala ang mga magulang ko sa isang sayawan na naganap sa bayan namin sa masbate.Habang nagkakasiyahan ang buong pamilya nina papa ay bigla namang dumating cna tita,ipinakilala nila si mama sa aming pamilya.Syempre si papa naman nun ay wala pang asawa kaya nung una palang niya makita si mama ay niligawan nya na ito.Yun ang pagkakasabi sakin ni papa kung pano daw sila nagkakilala ni mama.
Ngayun nga na magkasama na sila ay doon na ko nabuo.Si mama ay sumasideline lang minsan sa pag mamanicure.At si papa naman ay isang mangingisda.Kung hindi dahil sa pagsisikap nilang maging mabuting magulang sakin ay hindi ako aabot nang high school.
Pinalaki nila ako ng maayos,pinag aral sa Dayhagan Aroroy Elementary school.Grade 1 palang ako nun nung matuto akong sumugal sa mga problemang dinadanas na ng aking pamilya.Mahirap lang kami kaya siguro ang madalas naming problema ay ang pinasyal na pangangailangan.Minsan hindi na ko nakakapasok kasi wala akong pambaon,pero ang madalas kong idahilan sa aking guro ay may sakit ako o kaya naman ay may pinuntahn kami ng pamilya ko.
Pero sa pagsisikap kong pumasa ay nakatapos ako ng grade 1.Nung bakasyon kahit bata palang ako ay tumutulong nako sa aking pamilya sa kanilang trabaho.Minsan sinasamahan ko sina papa sa pangingisda sa laot.Minsan nga sa sobrang likot ko sa bangka ay haging nako mahulog sa sinasakyan namin.Sa nangyaring yun ay nagalit sakin si papa kaya nadala siyang isama ako sa pangingisda.
May mga pangyayari din ako na hinding hindi ko malilimutan lalo na nung Grade 4 na ko,syempre malaki na ko may muwang na sa mga nangyayari sa aking paligid,may ginawa kasi akong kasalawan dati na ikinagalit nang aking guro,tuwi na lamang may nang aasar sakin ay lagi kong isinusumbong kay teacher.Siguro sa kakulitan ko nang kasusumbong kay mam napikon na siya sakin at imbis na yung kaklase ko ang pinagalitan nya ay ako na nagsumbong ang napagalitan.
Nag 1st year high school ako sa amin sa masbate nakita nina mama at papa na sa eskwelahan namin ay maraming estudyante na masasalaw at para bang mabisyo.Kaya inantay lang nina mama at papa na matapos ko ang aking unang taon sa high school.
Pagkatapos na pagkatos ko nang 1st year ay bigla akong nagkasakit,2 buwan akong nasa bahay at nagpapagaling kaya ang nangyari ay hindi na ko pumasok.
Tinanong ako nina mama kung papasok pa daw ako ng high school.Pero ang sagot ko sa kanila ay ayoko nang pumasok,nang malaman ni papa na ayun ang pasya ko ay nagalit siya sa akin.Kaya pinadala nya ko sa tiyuhin ko sa katabi lamang ng baranggay namin.Sumama nalang ako lagi sa tiyo upang mangisda.
Sa hirap nang dinanas ko sa pagtatrabaho ay pinasya ko nalang na pumasok muli at mag aral.Kaya ang ginawa nina papa ay ipinadala ako dito sa San Pablo upang ipag patuloy ko ang aking pag aaral.Pero pagdating ko dito sa laguna ay hindi muna ako nag aral,ilang taon muna akong nagtrabaho sa construction kahit 16 anyos pa lamang ako.Pagsapit nang aking 18 kaarawan ay parang naawa sakin ang tiyuhin ko at tinanong nya ko kung gusto kong ipagpatuloy ang pag aaral ko. .Nag dadalawang isip pa ko nun kung itutuloy ko paba ang pag aaral ko pero sa kagustuhan ko ding makatapos ay tinanggap ko ang kanyang alok sakin.Nag aral ako sa pinapasukan ng aking pinsan,iyun ay ang Dizon High.
Nang ituloy ko na ang pag aaral ko ay 2nd year na ko,Habang nag aaral ako ay tumutulong din ako sa aking tiyo para sa gastusin,kasi tuwing sabado at linggo ay nagtatrabaho na ko.Sa parteng 2nd year ako ay may nakilala akong mga kaibigan na tumutulong sakin sa pag aaral sila ay sina Jerhel at Robles.
Tanda ko pa yung mga kalokohan namin dati,talagang nagpunta pa kami sa Netopia para mag download nang picture sa friendster.Pero pano nga kami makakapag upload kung wala naman kaming picture??Syempre nagpicturan muna kami sa may loob nang netopia.
Picture ko na kuha pa sa netopia kasama ang aking kaibigan

Pero hindi jan nagtatapos ang kwento ko.Pagkabakasyon namin ay umuwi muli ako sa masbate upang doon magbakasyon.Ang saya nang naging bakasyon ku don kasi para bang namiss ako nang aking mga kapatid at pinsan doon.Kahit sa edad kong ito naglaro pa kami nun sa dagat na malapit samin,tanda ko nun nung ibinaon ako nang mga pinsan ko sa lupa.Tumulong pati mga barkada ko para daw mailibing ako.Kala nila matatakot nila ako ha. . hehehe
Kinuhanan ako ng picture noon nung mapagtripan ako ng pinsan ko
Sa bakasyon ding iyun ay may natutunan akong mga bagay bagay sa amin.Lalo na nung tinuruan ako nang aking mga barkada mag mutor.Astig talaga ako nun sa motor.Para bang napakayaman kong tingnan.
Ala-ala ko noong tinuturuan pa lang ako magmaneho ng single

Ngayung 4th year nako ay sobra kong daming ginagawang kasalanan,minsan kasi napapasama ako sa iba naming kaklase sa pagliban ng klase.Ang naging epekto naman sa akin nung ginawa ko nun ay marami akong grades na ibinagsak.
Pero ang best part nang aking pagiging 4th year ay nung nag field trip kami nun.Bago ko umpisahan ang aming paggagala ay nagpapicture muna kami ng pinsan ko,para souvenir namin sa pag attend ng field trip.
Picture namin ng pinsan ko nung Fieldtrip namin

Nang magumpisa na kaming mamasyal ay dun ako sumama sa aking mga kaklase.Ang saya nila kasi nandun ako,ako lagi kasi ang inaasar nila.Minsan daw pag nakita nila akong isang ganap na scientist ay luluhod daw sila sakin.heheh
Mas hindi ko malilimutan ay nung picturan na kasi marami din ako dung naipon na picture eh.Kapwa kaming masaya,walang nalungkot nung uwian kasi umuwi kami na dala ang mga ngiti ng dahil sa field trip naming yun.Dahil din dun nakilala namin ng lubos ang isat isa.
Kuha naming picture ng mha kaklase ko nung fieldtrip

Sana walang makalimut sakin sa darating na graduation,alam ko lahat kami ay naging masaya nitong high school.Sana hindi nila alisin sa kanilang isipan na minsan akong dumaan sa kanilang buhay at nagbigay kulay sa mga oras na nakasama nila ako.
Picture ko samin ng nakahubad. . hehe!!

1 komento: