Noong bata pa ako,edad 1-4 na taon ay wala akong alam kundi ang mangulit sa aking mga magulang at mga kaibigan.Kahit alam ko na galit na sila sa inaasal ko ay tuloy parin ako sa aking mga ginagawa.Pero noong 5 taong gulang na ko ay nagbago na naman ako,at nung taong din yun ay ako ay nagsimulang pumasok ng kinder.Tanda ko nun ay lagi akong hatid sundo ng aking ama,kapag nalaman ko na iniwan nya ko sa paaralan ay umiiyak ako sapagkat alam ko na wala nang poprotekta sakin.
Nung graduation day namin ay masaya ang pamilya ko sakin dahil alam nila na maganda ang hinaharap ko,regalo nila sakin bilang isang mabuting anak ay ipinaghanda nila ako ng pagkain.Nung bakasyon namin ay nagswimming kami,para sakin isa na rin yung reunion ng aming kamag anakan.
At nang enrolan na ng grade 1 ay parang ayaw ko nang pumasok ng paaralan pero wala akong nagawa kasi pinilit ako ng aking mga magulang na ipagpatuloy ang aking pag aaral.Tanda ko pa noon na lagi akong natutulog pag hapon,nagkameron ako ng mga kaibigan,doon kami tumira sa Brgy.San Roque Saba,kapag hapon ay naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng tagu taguan,tumbang preso patintero at holen.
Nang mag grade 5 ako,marami ng nagbago sakin ,medyo hindi na ako naglalaro ng mga pambatang laro,ang nakahiligan ko naman ay ang paglalaro ng computer.
Nung nagbakasyon ako sa partido ng nanay ko sa San Miguel S.P.C ako pumunta.Pagkatapos nun ay nagpunta kami sa lola ko sa bicol sakto pagpunta namin doon ay piesta pala doon at ng pauwi na kami ay hindi ko malilimutan na naaksidente kami,nawalan ng preno ang sinasakyan namin na tamarraw FX ng nahulog kami sa malaking kanal ay tumaob kami,di ko malilimutan noon na nadag anan ako ng kalahating sako ng bigas sa kanang hita ko buti nalang walang namatay samin.
Nung grade 6 ako ay sabik na sabik na akong grumaduate at nang makagraduate ako ay nag rnroll ako dito sa paaralan ng dizon.
Nang 1st year ako ay madalas akong nag cucutting class at nag bike lang lagi ako,pero nagtino rin naman ako sa paglipas ng panahon
Nang nag 2nd year ako mas naranasan kong maging mas masaya lalo na ng dahil panay ang swimming naming magkakaklase at naging Adolfo rin ako sa Florante at Laura.At di ko inaasahan na magiging 3rd kami sa labanan naming ayun.
![]() |
Picture ko bago umalis ng bahay namin ^_< |
![]() |
Kasama ko lagi sa kasalawan ko sa lahat ng oras kahit klase |
![]() |
Picture namin bilang remembrance sa aming field trip |
![]() |
kinuha kong larawan na kunwari may kasama akong scientist^_^ |
![]() |
Sa loob ng BUS namin ako kumuha nito,akala nga nila babae ako |
Sa ngayun yan na muna ang ikukwento ko sa inyu sa aking Talambuhay. .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento