Huwebes, Marso 17, 2011

Ang Talambuhay ni Anicris Dumandan Villanueva

Ako nga pala si Anicris Villanueva labing anim na taong gulang at nakatira sa Brgy San Benito Alaminos Laguna,ipinanganak ako noong Oktubre 14,1994.Tatlo kaming magkakapatid,ang magulang ko naman ay si Anita Villanueva,siya ay housewife lamang at ang aking ama naman nasi Cristito Villanueva ay isang karpintero,maayus naman ang aking pamilya,masaya kami lalo na kapag kami ay kompleto na magkakasama.
Nung bata pa ako ay mahilig akong kumain ng kahit ano basta mabusog lang ako,mahilig din akong manood ng T.V,at maglaro nung bata pa ako,tanda ko nun kapag naglalaro ako ay hindi ako nauwisamin ng hindi madungis.Minsan nga nagtago pa ako sa likod ng bahay namin para lang hindi ako makita ng aking mama na ganun kadungis,baka kasi mapagalitan lang ako at pagpaliguin,ayaw ko kasi maligo dati,ewan ko nga kung bakit,dahil siguro yun na bata palang ako.
Naalala ko dati nung first time ko na mabungian sa unahan pa yun,iyak ako ng iyak dahil hindi lang ako bungi kundi masakit pa ang aking ngipin nun.Dala kasi ng dala ng candy nun ang papa ko syempre bata palang ako kaya mahilig ako kumain ng candy na dala ng papa ko,yan tuloy kakakain ko ng candy sumakit ang ngipin ko.Nag sisisi talaga ako nun kung hindi dahil sa candy hindi sana ako mabubungi.Ang panget ko talaga noon muka akong lalaki kasi sobrang iksi ng buhok ko noon tapos sobrang taba ko tapos bungi pa,talagang nakakadiri ako nun!!!
Nung una kong pasok sa elementary ay ayaw ko pa talagang pumasok nun kasi takot ako sa mga guro,kasi dati ang alam ko sa guro ay namamalo kaya takot na takot ako nun,kaya bago pumasok ay umiiyak muna ako.Pero di nagtagal ay nalaman ko na mababait pala sila kasi kaya langnaman ako natakot sa mga teacher ay gawa ng mama,sabi nya kasi sakin aypag hindi ako sumulat ay mapapalo daw ako ng teacher namin.Kaya yun tumatak sa isip ko na ganun ang mga ugali ng teacher pero ngayung na experience ko nang pumasok ay nalaman ko na mali pala ang akala ko.
Masaya naman ang buhay elementary ko kahit minsan aysobra kong likot sa school,pati dun din ako 2st time nagkacrush sa isang lalaki,alam kong hindi ko pa alam ang tunay na ibig sabihin ng salitang crush ang alam ko sa salitang yun ay true love na talaga.Grade 5 ako noon at may crush akong grade 6 na,sobrang pogi kasi nung lalaki minsan nga pag recess na ay inaabangan ko siya sa canteen dahil alam kong pupunta siya doon at yun lang din ang pagkakataon na makikita ko siya.
Nang malaman ng mama ko na may nagugustuhan na akong lalaki ay agad akong pinagsabihan ni mama naisip ko nun na tama ang pangangaral nang aking mama sa akin na unahin ko ang pag aaral dahil nakakasira daw ng pag aaral ang mga crush crush na yun.Kaya yun hindi ko na crush yung lalaki,ang bilis noh. . .hehee
Natatak na sa isip ko ang sinabing yun ni mama pero ok lang,ang mahalaga ay ang aking pag aaral.
Ngayung high school na ako ay ang dami kong pinagdaanan pero dahil sa sipag at tiyaga na inilaan ko sa pag aaral ay alam ko sa sarili ko na makakatapos ako ng pag aaral.
Kapag nasa bahay happy ako kahit mag isa ,may camera naman hehehe!!.
Dahilsa payo ng aking mga magulang sakin ay sisikapin ko na makatapos dahil alam ko na lagi silang nandiyan sa tabi sa oras na kailangan ko sila,buti nga ako may mga magulang na lagi akong sinusoportahan sa lahat ng bagay na alam nilang makakabuti sakin.Pero ang hinding hindi komalilimutan ay nng nagaway sina mama at papa nang dahil sa pera,muntik na lumayas nun si mama buti nga hindi niya tinuloy ang pag alisdahil naisip daw nya na pag umalis siya ay pano na raw kami,edi wala na daw mag aalaga saming magkakapatid diba.Naging aral na sakin na mahalaga pala ang pera sa oras ng pangangailangan kaya itinanim ko sa isip ko na mag iipon ako at hindi magiging gstadora at wag gumastos sa mga walang kabuluhan na bagay.
Kapag kasama ko ang mabait kong kapatid ay lagi ko siyang kasama sa kulitan ^_^
Kinabukasan noon ay nagkaayos na muli ang aking mga magulang,masaya ako nun na nag kaayos na sila kaya nga minsan ay naisip ko na masuwerte pa pala kami merong magulang na nagmamahal samin at nag aalaga kayamarami akong natutunan sa amin kaya lagi kong iisipin na lagi akong mananaligsa Diyos at magiging matiyaga na ako sa lahat ng bagay simula ngayon.Buti nalang may mga kaibigan akongnasasandalan sa oras na may problema ako.Salamat sa kanila. . .
Huling larawan na kuha naming magkakaibigan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento