Lunes, Marso 21, 2011

Ang Talambuhay ni Justine John Mendoza

     Ang talambuhay ni Baste,ang batang mayabang. ., ipinanganak ako noong ikatatlo ng hunyo,taong 1993 sa ospital ng San Pablo City Laguna.Noong iopinanganak ako ay ang daming natutuwa sakin dahil daw sa sobrang katabaan ko dahil pinaglihi daw ako sa siopao,sabi ng aking ina pinag aagawan ako sa pag karga dahil daw nakukulitan sila sakin.Inalagaan ako ng mabuti hanggang sa magsimula na kong tumungtong sa panibago kong tahanan,ang paaralan.
Buong klase namin kasama si Sir Gutierrez
       Noon ay medyo may isip na ako,kaya natatandaan ko pa na sa tuwing bago ako pumasok ay umiiyak pa ako,dahil limang taong gulang pa lamang ako ng pumasok ay hindi pa ko sanay na mawalay sa aking mga magulang.Pero dahil nga bata pa lamang ako ay baon lang ang iniisip ko kapag napasok,kasi dati ay malaki na din ang aking baon.Pero nung kinder ako,biruin nyu nag honor pa ako.Nung grade 4 naman ako ay naranasan ko ang magmahal,pero para sa iba ay puppy love lang daw yun,pero alam ko at alam din niya na paraho naming crush ang isat isa.Elementary rin ako nung una akong naglaro ng volleyball,grade 2 palang ako nun pero tinetraining na kong mabuti ng aking coach kaya nang mag grade4 na ako ay lumalaban na kami ng volleyball sa ibang eskwelahan.
Kompleto ang barkada nung JS KAya picture2x
       Sa ibat ibang lugar ay naranasan ko na ring lumaban ng volley ball,gaya ng manila,luce at iba pang lugar.Nakasali na rin ako sa deligation ng San Pablo inilaban ako sa panlarong panrelihiyon o tinatawag nilang STCAA,kaya dahil dito ay lalo pang tumibay ang aking pangangatawan sa pag lalaro ng volley ball hanggang sa nagkaroon ako ng mga medal dala ng aking pagkapanalo sa aming pinaglalaruan.
      Nung elementary ay muntik ko na nga palang makalimutan na haging na kong mamatay sa isang pangyayari na kinagat ako ng aso na may rabies,tanda ko nun 50-50 ako sa ospital.Pero dahil sa aking mga magulang ay nakaligtas naman ako sa isang tiyak na kapahamakan.Pero kahit nakaligtas ako hindi ko malilimutan na sa kabila ng pag kakaligtas ko ay ang dami namang itinurok sakin para lang maligtas ako.
Kami ng teacher ko sa english ay kumuha ng picture upang remembrance
       Nung makatungtong na ko ng sekondarya ay medyo kabado pa ako sapagkat 1st tym ko palang na makatungtong at naninibago lang siguro kasi ako sa pinasukan ko.Pero di rin nagtagal ay mabilis rin akong nakapag adjust dahil siguro ang mga kamag aaral ko dun ay aking mga kaibigan at ang iba pa ay kabarkada na.Dati ay masipag pa akong mag aral at pumasok dahil wala pa ako nung kalokohan sa pag aaral e,naglaro pa nga ako noon bilang isang Varsity sa dizon high.
Picture namin ng gf ko
Picture namin ng mahal ko nung kami ay nag sasayaw sa JS
      Napapasama na ko dati sa mga away ng barkada ko,ngunit marami pa rin namang mga katuwaang nangyayari kaya naka abot parin ako ng second year.Nag champion kami dati sa dizon na kahit isang beses ay hindi kami natalo,pero ang alam ko nun ay sa mga susunod pa na taon ay marami pang magagaling ang aming makakalaban sa volleyball.Noong 3rd year ako ay muntik na akong bumagsak pero hindi naman natuloy dahil nag summer class ako.Pero dati rin ay huminto ako ng pag aaral kasi tinatamad narin ako,kaya yun tumambay nalang ako samin ng isang taon.
         Ngayung 4th na ko ay sumali uli ako sa larong volleyball,pero hindi lang basta ako sumali kundi naging Captain Ball pa ako ng team namin.
        Sa lahat nang aming mga pinag daanan nitong 4th year ay ang pinakamaganda ay nung JS Prom dahil diko ko rin nakilala ang aking mahal.hehe kala nyu siguro nakakabored lang ang aking istorya,kahit papaano rin naman ay may love life ako na sa ngayun ay akin pa ring ipoinag papatuloy.Nung naging kami nga ay tinutukso pa ko ng aking mga kaklase na inagawan ko daw ang aking kaibigan,dapat daw kasi ay siya ngayun ang boyfriend ng aking gf ngayun.Hmmm Paxenxia na,una unahan lang talaga yan,malakas ang appeal ko eh ^_^.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento